Chito, Neri 10 years nang mag-asawa, kinasal ulit: ‘Tag team partners for life!’

PHOTO: Instagram/@chitomirandajr
SA kabila ng pagsubok, pinatunayan ng celebrity couple na sina Neri Naig at Chito Miranda ang kanilang pagmamahalan sa isa’t-isa.
Natuloy na kasi ang kanilang renewal of vows bilang pagdiriwang ng kanilang 10th wedding anniversary.
Magugunitang na-postpone ang muling pagpapakasal ng dalawa dahil sa matinding pagsubok na kanilang hinarap na kung saan ay inaresto at nakulong si Neri dahil sa naging isyu sa isang skin care company.
“Sa wakas [red heart emoji],” bungad ni Chito sa kanyang Instagram Reel na ibinandera ang ilang touching moments sa wedding nila ni Neri.
Baka Bet Mo: Neri Miranda powerful ang nakabangga sa negosyo kaya agad naaresto?
Wika pa niya, “Ok lang na medyo na-delay…ang importante, natuloy.”
“Hindi naman tayo nagmamadali. I’m not going anywhere, at habambuhay naman tayo magsasama. Hinding-hindi kita papabayaan,” pagtitiyak ng bokalista ng Parokya ni Edgar sa Wais na Misis.
Mensahe pa niya, “Happy 10th anniversary, asawa ko. [red heart emoji] Tag team partners for life [emojis].”
View this post on Instagram
December 2014 ang unang kasal at intimate wedding nina Neri at Chito na ginanap sa Tagaytay.
Kung matatandaan, noong November 23 last year nang inaresto ang aktres ng mga operatiba ng SPD habang nasa isang convention sa Pasay City.
Ito ay dahil sa umano’y paglabag sa Securities Regulation Code, estafa at syndicated estafa.
Noong November 30, nagbayad ng piyansa ang celebrity mom para sa isang kinahaharap na 14 counts of violation of Securities Regulation Code sa halagang P1.7 million.
Kasunod niyan ay pinaaga ang arraignment at pre-trial ni Neri base sa kautusan ng korte na imbes January 9, 2025 ay ginawa ito ng December 11.
Nitong Pebrero nang ibinasura ng Pasay City RTC Branch 112 ang lahat ng kaso ni Neri.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.