Chito muling napatunayan ang pagiging wais na misis ni Neri: Bilib na bilib na talaga 'ko! Bandera

Chito muling napatunayan ang pagiging wais na misis ni Neri: Bilib na bilib na talaga ‘ko!

Ervin Santiago |April 08,2021
share this

Chito muling napatunayan ang pagiging wais na misis ni Neri: Bilib na bilib na talaga ‘ko!

Ervin Santiago | April 08,2021 - 09:37 AM

PINATUNAYAN ni Neri Naig sa kanyang asawang si Chito Miranda na kayang-kaya niyang abutin at tuparin ang mga pangarap niya sa buhay sa kabila ng pandemya.

Isang certified wais na misis talaga  ang aktres, ang sabi mismo ng bokalista ng Parokya Ni Edgar patungkol sa mga pasabog na diskarte ni Neri.

Sa kanyang Instagram account, muling ibinandera ng singer-songwriter ang isang bagay na inakala niyang hindi makakayang panindigan ni misis pero pinatunayan nito ang kasabihang, “walang mahirap sa nagsisikap.”

Ipinost ng OPM icon ang litrato ng bagong property na nabili ni Neri at dito nga niya inamin na nag-worry siya dahil baka mabaon daw sila sa utang kung bibilhin nila ang nasabing lupain na napakamahal.

Pero sabi ni Chito, “Bilib na bilib talaga ako. Initially, I was honestly unsure kung kaya niya bang bayaran ito, and I kept on reminding her to really think about it first, at aralin niya muna ‘yung financial capacity at capability niya.

“At ‘wag siyang pabigla-bigla kasi ayokong mapasubo siya na tipong magda-down siya tapos di na niya mababayaran ‘yung remaining amount.

“Ayokong ma-stress siya, at mas lalong ayaw ko na mabaon siya sa utang,” ang bahagi ng caption ng Parokya ni Edgar frontman sa kanyang IG post.

Patuloy pa niya, “Even though I was hesitant, we sat down and discussed her plan, tapos pinag-aralan namin ‘yung kakayahan niya magbayad based sa kinikita mula sa iba’t ibang mga negosyo’t online businesses niya.”

At mas lalo pa siyang bumilib sa asawa dahil sa naisip nitong strategy para hindi sila mahirapan sa bayaran at maiwasang mabaon sa utang.

“Kinausap niya ‘yung may-ari ng lupa, and naki-usap siya na kung pwede ba [raw] na hulugan, and I was pleasantly surprised na pumayag sila sa terms ni Neri.

“Again, she showed me how it should be done: Dream big. Work hard. Focus on your goals, and never give up,” pahayag pa ng singer.

Sey pa ni Chito, noong October, 2020 ay nabayaran na ni Neri ang last payment para sa nasabing property. Aniya, plano na nilang taniman ito ng iba’t ibang puno at halaman at maglagay ng bahay kubo para  magsilbing pahingahan at tambayan ng kanilang pamilya.

“Sobrang excited talaga ako sa mga binabalak, pinaplano, at mga pinapangarap nitong babaitang ‘to…basta ako steady lang, at todo support lang palagi hehe! Bahala ka na sa buhay ko,” hirit pa ni Chito Miranda.

In fairness naman talaga kay Neri, isa siyang buhay na patunay na kahit sa gitna ng krisis ay maraming pwedeng gawin para gumanda at umunlad ang buhay. Basta masipag at desidido kang magkaroon ng sariling negosyo, walang imposible sa pagkamit ng tagumpay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending