Neri may nakakalokang kuwento nang mag-dinner date sila ng asawa: Haaaaaay, Chito! Classic ka talaga! Bandera

Neri may nakakalokang kuwento nang mag-dinner date sila ng asawa: Haaaaaay, Chito! Classic ka talaga!

Ervin Santiago |November 01,2021
share this

Neri may nakakalokang kuwento nang mag-dinner date sila ng asawa: Haaaaaay, Chito! Classic ka talaga!

Ervin Santiago - November 01, 2021 - 08:49 AM

Chito Miranda at Neri Naig

ALIW na aliw ang mga netizens sa isang post ng aktres at negosyante na si Neri Naig sa Instagram tungkol sa pagde-date nila ng asawang si Chito Miranda.

Ibinahagi ng tinaguriang “wais na misis” sa kanyang social media followers ang nakatutuwang eksena nang minsang mag-dinner date sila ng Parokya ni Edgar frontman sa Tagaytay.

“Date night with my husband sa Antonio’s. Siyempre para kunware nakakaluwag luwag na talaga kami sa buhay, sa Antonio’s tayo mag-date!” simulang chika ni Neri sa caption ng ipinost niyang litrato nilang mag-asawa sa loob ng resto.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda)


Patuloy niyang chika, “Kaso papunta pa lang kami, napabalik kami sa house kase naka shorts si Chito at bawal ang nakashorts.

“Sabi ni Chito, pakisabi 5k naman ang shorts ko na nabili sa 511 baka pasado na raw yun, haha! Sabi ko magpantalon na sya.

“While waiting sa order namin, syempre gutom na gutom na kami, tig-half bread ang binigay sa amin. Sinabi ni Chito sa akin, bakit hati tayo sa bread?

“Ang mahal mahal ng resto, bat nagtitipid daw sa bread? Haha! Tawang tawa talaga ako sa kakengkoyan ng asawa ko!” lahad pa ng aktres.

“Pero ang mas epic yung magbabayad na at nakita nya yung bill, inabot ang card at sabay tanong…. pwede installment? Mga 6 months?

“Napahalakhak talaga ako pati yung staff sa kabilang table natawa na lang. Haaaaaay, Chito! Classic ka talaga! Buti na lang di ako nae-embarrass sa mga punchlines mo, sobrang tawang tawa lang talaga ako sa ‘yo.

“Baka next time banned na tayo sa mga restos ni Chef Tony dahil sa kajologan natin sa mga restos nya!” sey pa ni Neri.

Nito lamang Oktubre ay isinilang ni Neri ang ikalawang baby nila ni Chito na pinangalanan nilang Cash. Ang panganay nilang si Miggy ay ipinanganak naman noong 2016.

Chito muling pinuri ang asawa: Napakaganda ni Neri, medyo weird, pero sobrang bait!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending