Claudine Barretto nag-effort pa rin para sa birthday ni Rico Yan: I love you! | Bandera

Claudine Barretto nag-effort pa rin para sa birthday ni Rico Yan: I love you!

Alex Brosas |March 16,2022
facebook
share this

Claudine Barretto nag-effort pa rin para sa birthday ni Rico Yan: I love you!

Alex Brosas - March 16, 2022 - 09:54 AM

Claudine Barretto at Rico Yan

Claudine Barretto at Rico Yan

BINIGYAN ni Claudine Barretto ng effort ang pag-celebrate sa birthday ng former boyfriend niyang si Rico Yan.

Nag-post si Claudine ng birthday cake for Rico sa kanyang Instagram account with this caption, “In a few minutes it’ll be you’re birthday as you Celebrate in Heaven we Celebrate you here on Earth.

“May u know that i & the People who luv u will forever luv & Celebrate you. i luv you.”
Ang daming nag-react na fans ng dalawa sa post na iyon ni Claudine.

“The time of the yr when the tremendous pain a fan felt when he died is coming back as if it happened yesterday lng. Masakit pramis. Hayyyy rico movie marathon nnman aatupagin ko buong araw.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto)


“Omgggg!! Thank u so much, Mami Clau, We love u!!! HAPPY BIRTHDAY IN HEAVEN, OUR PRINCE. WE MISS YOU SO BAD.”

“Happy birthday RY .. pls. Hug @claubarretto para Naman sumaya sya ngaun bday mo maramdaman man lang nya na andyan ka sa tabi Nya.”

“I was born 03-14-02 ,2002 was the year na nawala siya huhu happy birthday to us kuya Rico youre my mom’s favorite actor!”

“Happy birthday rico in heaven. Super fan nyo po ako ni mam claudine. #90sbaby.”

“Happy Birthday thank you ate claudine Mahal na mahal mo tlaga sya.”

Naalala namin ang pagkamatay ni Rico. That time, we were writing for a magazine at kahit Mahal na Araw, ayun, nag-interview kami sa phone ng mga taong malapit kay Rico as our editor assigned us to do the story.

‘Yung isang broadsheet naman, pinublish uli ang aming one-on-one interview kay Rico which happened two months before his death.

* * *

Itinuwid na ni Archie (Vance Larena) ang kanyang pagkakamali at ibinigay na niya ang ebidensya na nagpapatibay na rapist si Jigs kay Troy (Jake Cuenca) sa “Viral Scandal.”

Hindi nga kinaya ni Archie ang pag-iwan sa kanya ni Ella (Aya Fernandez) pagkatapos nitong malaman na tinulungan pa niya si Jigs na maabswelto sa mga kaso nito.

Tingin niya na sa pagbibigay niya ng ebidensiya sa kampo ni Rica ay makakatulong siya sa kaso at para na rin mapatawad siya ng kanyang girlfriend.

Sumakto naman na kasama ni Troy sina Kakay (Dimples Romana) at Dan (Miko Raval) nang inabot ni Archie ang ebidensiya. Pinapunta nila si Rica sa opisina ni Atty. Dizon (Ria Atayde) para matignan at mapag-usapan kung ano ang gagawin nila sa ebidensiya.

Hindi naman makapaniwala si Rica na may mga ganoong tao tulad nina Jigs at ng kanyang mga kaibigan na nagawang bastusin at paglaruan ang mga babae na walang kaalam-alam sa pinaggawa nila. Makumbinse kaya nina Rica at Atty. Dizon ang mga babaeng magsampa ng kaso laban kay Jigs?

Samantala, mapapanood na sa Miyerkules (Marso 16) ang spin-off chapter ng kapatid ni Rica na si Bea (Karina Bautista) at ni Pogs (Aljon Mendoza). Malalaman na ng publiko kung ano ba ang simula ng mala-aso’t pusang relasyon ng dalawa sa istorya.

Ito nga ang regalo ng “MMK” at “Viral Scandal” sa fans at viewers matapos makakuha ng halos P1.4 million na donasyon sa finale ng “Kapamilya Family Date Nights” na ibinigay sa ABS-CBN Foundation para sa mga nasalanta ng bagyong Odette. Libre naman at hindi nagpabayad ang cast, crew, at promo team ng nasabing prequel.

Subaybayan ang mga kapanapanabik na eksena sa “Viral Scandal” gabi-gabi sa Kapamilya Channel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hugot ni Claudine tungkol sa taong ‘sinungaling’, ‘ipokrita’ para nga kaya kay Julia?

Rico nagpakilig sa pagbati kay Maris: Happy birthday Madam! Love you so much po!

Vice nagpasalamat sa Diyos sa pagdating ni Ion: Ang bait Mo binigyan Mo ako ng ganito…

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending