Claudine kumalas sa 2 kaibigang pumanig sa isang kriminal: Red flag!

PHOTO: Instagram/@claudbarretto
NAGBABALA si Claudine Barretto patungkol sa “red flags” sa pakikipagkaibigan.
Ito ay matapos niyang putulin ang ugnayan sa dalawa niyang matalik na kaibigan na umano’y hindi tumulong sa kanya laban sa isang kriminal.
“The other day I lost two of what I thought is like family to me. It’s sad when people cannot understand the concept of loyalty! Ang tatanda na natin di pa rin alam meaning nito,” sey ng batikang aktres sa isang Instagram post noong February 6, kalakip ang isang video na ibinabandera ang bonding nila ng isang kaibigan.
Ikinuwento rin ng aktres kung paano umano ginamit ng isang tao ang kanyang pangalan para mangutang nang wala siyang alam tungkol dito.
Baka Bet Mo: Claudine binanatan dahil sa mga qualification na hinahanap sa isang P.A.
Ayon kay Claudine, natukoy niya ang gumawa ng krimen at naiparating ito sa mga awtoridad, ngunit tumanggi umano ang kanyang mga kaibigan na maging saksi dahil ayaw nilang madawit.
“Tapos sasabihan ka wala silang ibang ginawa but to help you?! What? Alam niyo na nga di ako ‘yun at umamin na ‘yung totoo ng gumamit ng name [ko and] yet saan dun as friends did you protect me?” dagdag ng aktres.
“A crime is a crime,” diin niya.
Patuloy ng celebrity mom, “What’s funny is that they think di sila madadamay [because] lalabas rin mga names nila?”
Kasunod niyan, nagbigay si Claudine ng payo sa kanyang fans na tinawag niyang Palanggas: “Please know that if a friend or friends know that you are telling the truth [and] won’t stand up to witness on your behalf [and] sides with a criminal, red flag.”
Paglalarawan ni Claudine, mapanganib ang ganitong mga tao kaya dapat ito’y iwasan.
Bandang huli, tila may patama pa ang aktres sa isang indibidwal na naging sanhi ng pagkasira ng kanilang pagkakaibigan.
“Pang-ilang kaibigan ang umiwas nalang [because] of your attitude and negativity, but also thank you so much dahil alam ko na kung anong mga klaseng mga tao sila,” wika niya.
View this post on Instagram
Hindi na pinangalanan ni Claudine ang mga tinutukoy niya sa post at hindi na rin idinetalye ang eksaktong krimen na nagawa laban sa kanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.