Chito pinasalamatan ang vlogger na nakabili sa Bagsakan polo ni Francis M sa halagang P620k; Pia Magalona relate much kay Gab Chee Kee | Bandera

Chito pinasalamatan ang vlogger na nakabili sa Bagsakan polo ni Francis M sa halagang P620k; Pia Magalona relate much kay Gab Chee Kee

Ervin Santiago |March 19,2023
facebook
share this

Chito pinasalamatan ang vlogger na nakabili sa Bagsakan polo ni Francis M sa halagang P620k; Pia Magalona relate much kay Gab Chee Kee

Ervin Santiago - March 19, 2023 - 02:10 PM

Chito pinasalamatan ang vlogger na nakabili sa Bagsakan polo ni Francis M sa halagang P620k; Pia Magalona relate much kay Gab Chee Kee

Gab Chee Kee at Chito Miranda

TODO-TODO ang pasasalamat ng OPM icon na si Chito Miranda sa lahat ng taong tumulong at nagdasal para sa gitarista ng Parokya ni Edgar na si Gab Chee Kee.

Napatunayan ng Parokya ni Edgar frontman na napakarami talagang nagmamahal sa kanilang kabanda na handang tumulong sa pakikipaglaban nito sa sakit na cancer.

Pinasalamatan ng singer-songwriter ang lahat ng mga naki-bid sa mga mahahalaga at makasaysayang gamit nila kung saan ang lahat ng kinita ay ibinigay kay Gab para ipangtustos sa kanyang pagpapagamot.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram, ipinost ng husband ni Neri Miranda ang litrato ng white polo ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona na ginamit nito sa kanilang historical “Bagsakan” music video.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr)


“LD for P620k.

“Maraming salamat sa lahat ng nag-bid para sa polo na ginamit ni Sir Francis Magalona sa music video ng Bagsakan, lalo kay Boss Toyo na nanalo sa bidding, na sya ring nakabili ng polo ni Gloc9 for P80k, at sa polo ko for P150k (at yung ‘Halina sa Parokya’ puppets na nabili nya for 85k),” ang simulang mensahe ni Chito sa kanyang IG post.

Pagpapatuloy niya, “Napakalaking tulong nito for Gab kasi lahat ng kinita sa pagbenta ng mga polo ay mapupunta sa kanya.”

Siyempre, special mention din ang asawa ni Francis M na si Pia Magalona dahil sa pagiging generous nito, “Sobrang salamat din kay Ma’am Pia Magalona sa pag-donate ng polo ni Sir Kiko para kay Gab (alam ko po na sobra yung sentimental value ng polo sa inyo pero pinili nyo pa ring i-donate para makatulong sa kabanda namin).

“Gusto ko rin magpasalamat kay @saabmagalona na naging tulay sa pag-coordinate namin kay Ma’am Pia para mahanap yung polo ni Sir Kiko, and aside from that, donated more than P300k mula sa shirt company nila na @linyalinya.

“Grabe kayo. Maraming maraming salamat sa inyong lahat mula sa Parokya, at sa family ni Gab,” pahayag pa ni Chito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr)


Ibinahagi naman ni Pia sa madlang pipol kung bakit pumayag siyang ipa-auction ang polo ni Francis. Ito’y mapapanood sa episode ng “Pinoy Pawnstars” vlog ng content creator na si Boss Toyo na siyang nakabili ng polo ni Francis M.

Baka Bet Mo: Iking muling nakapiling si Angel Locsin after 17 years: Superhero ka pa rin sa mata ko, Ate!

Ito’y may pamagat na “Pinoy Pawnstars Ep.174 – Ang Bubuo sa Holy Grail ng Bagsakan ‘Francis M‘” kung saan personal nga siyang nagtungo sa FrancisM Clothing Company (FMCC) para i-claim ang “Bagsakan” polo ng yumaong OPM legend.

Kuwento ni Pia, “Si Saab, nag-message lang siya and then she said, ‘Are you willing to part with it?’ for this (cause). Siyempre ako, instantly it’s for a cause because I went through the same thing with Francis.

“Aside from the fact na you’re trying to fight for your life, eh yung financial (expenses) iniisip mo yun, di ba? Problemado ka du’n,” ani Pia.

Naging emosyonal naman ang wifey ng Master Rapper nang sabihing medyo mahirap din talaga sa kanya na i-let go ang isang memorabilia ng pumanaw na asawa.

Pero naisip nga niya, kung ang mga bagay na mahalaga rin kina Gloc-9 at Chito ay naipagbenta nila para kay Gab, bakit hindi rin niya gamitin ang polo ni Francis for a good cause.

“It’s difficult kasi si Chito and si Gloc, they’re there, so it’s theirs, so they gave it. But me na he’s gone already, di ba? So I’m very sentimental,” sabi pa ni Pia.

Chito effort kung effort para kay Gab, ipapa-auction ang ‘Bagsakan’ polo ni Francis Magalona

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘Bagsakan’ polo ni Francis M naibenta na, Gab Chee Kee hindi susuko sa paglaban sa ‘cancer monster’: Nakakalakad na siya on his own!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending