Gab Chee Kee isasailalim sa chemo, sey ni Chito: Promise, hindi namin siya pababayaan! | Bandera

Gab Chee Kee isasailalim sa chemo, sey ni Chito: Promise, hindi namin siya pababayaan!

Pauline del Rosario |March 05,2023
facebook
share this

Gab Chee Kee isasailalim sa chemo, sey ni Chito: Promise, hindi namin siya pababayaan!

Pauline del Rosario - March 05, 2023 - 11:24 AM

Gab Chee Kee isasailalim sa chemo, sey ni Chito: Promise, hindi namin siya pababayaan!

PHOTO: Instagram/chitomirandajr

MUKHANG tuloy-tuloy na ang paggaling mula sa sakit na “lymphoma” ang gitarista ng bandang Parokya ni Edgar na si Gab Chee Kee.

Ang good news ay ibinandera mismo ng kanyang ka-banda at bokalista na si Chito Miranda.

Sa latest Instagram post, ibinahagi ni Chito ang ilang pictures ng pagbisita nila kay Gab sa ospital.

Sinabi pa ng bokalista na nakatakdang isailalim sa chemotherapy ang kanyang bestfriend.

Walang masyadong detalye, pero kasalukuyan na itong pinaghahandaan ni Gab.

“Binisita namin si Gab kanina bago kami tumuloy sa gig namin sa Qc. Sobrang aliwalas niya tingnan!!! [green heart emoji],” caption ni Chito.

Sey pa niya, “Nagpapalakas lang sya para maipag-patuloy nya yung chemotherapy nya, and tuluyan na siyang gumaling [happy face emoji].”

Lubos din ang pasasalamat ng frontman sa lahat ng sumusuporta at patuloy na tumutulong sa ka-banda.

“Maraming maraming maraming salamat sa lahat ng mga tumulong at patuloy na tumutulong kay Gab!!!,” saad niya.

Pangako pa ni Chito, walang iwanan at never nilang pababayaan si Gab.

“Mahaba-haba pa ‘tong laban na ‘to, pero pramis, kahit gaano pa kahaba ‘yung laban ni Gab, ‘di talaga namin siya pababayaan,” saad sa post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr)

May ilang netizens naman ang sumaludo sa suporta at pagtulong na ibinibigay ni Chito at ng kanyang mga ka-banda para kay Gab.

May iilang napa-comment sa nasabing post at nakaka-relate sa sitwasyon ni Gab.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“I’m a fellow cancer patient. I know how hard it is to deal with this kind of sickness. Napakalaking bagay sa amin na maraming nagmamahal at umaalalay samin sa journey na to. Pagaling ka Sir Gab.”

“I was diagnosed with cancer last 2018. All I can say is ‘yung mga visits ng friends ng ganyan ay napakahalaga. Luckily, I have some friends like sir Chito. Laban lang sir Gab! [red heart emoji]”

“Laban lang po. I’m a lymphoma patient too..God’s been so good to me. Still giving me so much strength and the will to live! Prayers for Sir Gab.”

Related chika:

Gitarista ng ‘Parokya ni Edgar’ nasa ICU, sey ni Chito: Matinding laban ‘to para sa kanya…at reresbakan natin siya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Gitarista ng Parokya ni Edgar malapit nang lumabas ng ospital: May cancer pa rin siya, so laban pa Gab! Kayang-kaya yan!’

Chito Miranda pumalag sa nagsabing ‘sayang’ ang fundraising campaign para kay Gab Chee Kee: Ang sama kasi nung dating

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending