Chito Miranda ibinandera ang pag-uwi ng Parokya Ni Edgar guitarist Gab Chee Kee mula sa ospital: Dahil sa tulong ninyo, he survived | Bandera

Chito Miranda ibinandera ang pag-uwi ng Parokya Ni Edgar guitarist Gab Chee Kee mula sa ospital: Dahil sa tulong ninyo, he survived

Therese Arceo |March 11,2023
facebook
share this

Chito Miranda ibinandera ang pag-uwi ng Parokya Ni Edgar guitarist Gab Chee Kee mula sa ospital: Dahil sa tulong ninyo, he survived

Therese Arceo - March 11, 2023 - 11:11 AM

Chito Miranda ibinandera ang pag-uwi ni Parokya Ni Edgar guitarist Gab Chee Kee mula sa ospital: Dahil sa tulong ninyo, he survived

SUPER happy si Chito Miranda dahil nakauwi na ang kaibigang si Gab Chee Kee matapos ang matagal na pagkaka-confine sa ospital.

Ang magandang balita ay ibinahagi ng Parokya Ni Edgar frontman sa kanyang Instagram nitong Biyernes, March 10.

“After 2 months in the hospital due to pneumonia (more than a month dun, intubated sa ICU), and after several major and minor operations dealing with complications brought about by his condition, sa wakas…pina-uwi na si Gab sa bahay nila,” pagbabahagi ni Chito.

Super grateful rin ang bokalista sa lahat ng mga taong tumulong sa kaibigan upang mapabuti ang kanyang kalusugan.

“Dahil sa tulong ninyo, he survived. Maraming maraming salamat talaga!!! He was able to get the best medical attention dahil nagtulung-tulong tayo…and now, he could finally continue with his chemotherapy,” pagpapatuloy ni Chito.

Sa ngayon ay kailangan ni Gab na magpalakas upang makayanan nito ang kanyang chemotherapy.

Baka Bet Mo: Chito Miranda pumalag sa nagsabing ‘sayang’ ang fundraising campaign para kay Gab Chee Kee: Ang sama kasi nung dating

“The important thing is that we are back on track. Kumbaga, balik tayo sa main event…his fight against Lymphoma. We will win this battle,” puno ng pag-asang lahad ni Chito.

Dagdag pa niya, paniguradong kapag matatanda na sila ay babalikan nila ang naging kwento ni Gab at kung paano nito napagtagumpayan ang kanyang sakit.

“Many years from now, when me and my bandmates are old and gray, babalik balikan namin nila Gab yung kwento about how he fought and survived cancer, and how everyone helped out…and it will always be one hell of an inspirational story,” masayang sey ni Chito.

Super happy naman ang mga supporters ng Parokya ni Edgar sa magandang balitang inihatid nito.

“Iilan nlng ang mga kaibigan na tutulungan ka hanggng sa pwde na ulit mgsimula.. mgpagaling ka boss gab in jesus name you will win the battle. ang iyo lamang gagawin ay magpalakas at magpagaling.. godbless boss chito & bandmates you are truly an Angel,” comment ng isang netizen.

Saad pa ng isa, “Okay lang yan pahinga kahit a month tapos tuloy ang laban. Tuloy tuloy na yan hanggang matapos. Same kami ng type ng lymphoma, treatable talaga sya. Kayang kaya yan boss Gab!”

“Hats off sayo Chito you are one of a kind friend. We’ll pray for speedy recovery of Gab. God is good all the time.,” hirit naman ng isang netizen.

Hiling naman ng mga fans na tuluyan nang gumaling ang gitarista upang mas marami pang gigs na mapagsamahan ang isa sa mga matatagal nang OPM band sa bansa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Gitarista ng ‘Parokya ni Edgar’ nasa ICU, sey ni Chito: Matinding laban ‘to para sa kanya…at reresbakan natin siya

Gitarista ng Parokya ni Edgar malapit nang lumabas ng ospital: May cancer pa rin siya, so laban pa Gab! Kayang-kaya yan!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending