'Bagsakan' polo ni Francis M naibenta na, Gab Chee Kee hindi susuko sa paglaban sa 'cancer monster': Nakakalakad na siya on his own! | Bandera

‘Bagsakan’ polo ni Francis M naibenta na, Gab Chee Kee hindi susuko sa paglaban sa ‘cancer monster’: Nakakalakad na siya on his own!

Ervin Santiago |March 08,2023
facebook
share this

‘Bagsakan’ polo ni Francis M naibenta na, Gab Chee Kee hindi susuko sa paglaban sa ‘cancer monster’: Nakakalakad na siya on his own!

Ervin Santiago - March 08, 2023 - 08:24 AM

'Bagsakan'polo ni Francis M naibenta na, Gab Chee Kee hindi susuko sa paglaban sa 'cancer monster'

Gab Chee Lee at Chito Miranda

NAIBENTA na ang makasaysayang “Bagsakan” polo ng yumaong OPM legend at Master Rapper na si Francis Magalona.

Todo ang pasasalamat ng mga kapamilya ni Gab Chee Kee pati na ang mga kaibigan at kabanda niya sa Parokya ni Edgar sa lahat ng nakibahagi sa naganap na auction para sa puting polo ni Francis.

Ito yung ginamit ng singer-songwriter sa “Bagsakan” concert kung saan nakasama nga niya ang Parokya ni Edgar ilang taon na ngayon ang nakararaan.


Mismong ang asawa ni Francis na si Pia Magalona ang naghanap ng nasabing damit para nga maibenta at makatulong sa pagpapagamot ni Gab na patuloy na nakikipaglaban ngayon sa cancer.

Sa Facebook page ng Parokya ni Edgar ay nagpasalamat ang grupo sa taong naglabas ng napakalaking halaga para sa Bagsakan polo ni Kiko (palayaw ni Francis). Hindi naman nakalagay kung magkano ang eksaktong halaga na ibinayad ng bidder.

Pero sa isang FB post ng banda ay may nakalagay na, “Last 1 hour!!! Highest bid is still ₱620,000.00. We received numerous bids who did not confirm or sent bogus numbers. Please, serious bids only!”

“Maraming salamat sa nanalo sa auction ng Bagsakan Polo ni Sir Francis M. Let us please respect his/her decision to remain anonymous.


“And of course, our heartfelt gratitude to the Magalona Family for donating Sir Francis’ polo for Gab’s Hospitalization. Maraming-maraming salamat po ulit!

“Update muna din kay Gab…

“Dahil sa patuloy na tulong, dasal, at good vibes galing sa inyo, medyo mayabang siya ngayon dahil nakakalakad na siya on his own!

“Good news din dahil medyo malapit na raw siya makalabas ng hospital para ituloy ang pagpapalakas niya sa kanilang bahay!

Baka Bet Mo: Gitarang pirmado ng Eraserheads para kay Gab, naibenta ng P1.3 million

“Excited na rin kami makasama si Gab sa mga gigs, pero kailangan niya muna talunin ang cancer monster! Go Gab!!! Kayang-kaya yan!!! God is Eternally Good!!!” ang mensahe pa ng Parokya ni Edgar.

Nauna rito, nagbahagi rin ang bokalista ng banda na si Chito Miranda ng update sa kundisyon ni Gab matapos niya itong dalawin kamakailan.

“Binisita namin si Gab kanina bago kami tumuloy sa gig namin sa QC. Sobrang aliwalas nya tingnan!!!

“Nagpapalakas lang sya para maipag-patuloy nya yung chemotherapy nya, and tuluyan na syang gumaling.

“Maraming maraming maraaaming salamat sa lahat ng mga tumulong at patuloy na tumutulong kay Gab!!!

“Mahaba-haba pa ‘tong laban na ‘to, pero pramis, kahit gaano pa kahaba yung laban ni Gab, di talaga namin sya papabayaan,” ang sabi pa ni Chito.

Chito effort kung effort para kay Gab, ipapa-auction ang ‘Bagsakan’ polo ni Francis Magalona

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Gitarista ng ‘Parokya ni Edgar’ nasa ICU, sey ni Chito: Matinding laban ‘to para sa kanya…at reresbakan natin siya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending