Pamilya Magalona ginunita ang 14th death anniversary ni Francis M: ‘My love for you is undying, Pop! Rap in paradise’
INALALA ng pamilya at mga kaibigan ng OPM legend at Master Rapper na si Francis Magalona ang araw ng kanyang kamatayan kahapon.
Ngayong taon ginugunita ang 14th death anniversary ni Francis M, na pumanaw noong March 6, 2009 sa edad na 44 matapos makipaglaban sa sakit na cancer.
Sa kanyang Instagram, nag-post ang asawa ni Francis na si Pia Magalona ng mga litrato ng kanilang pamilya kasama ang iba pa nilang kaanak na kuha sa libingan ng yumaong singer-songwriter at TV host.
“Fourteen. Bless the man if his heart and his land are one. Three stars & a sun,” ang nakasulat sa caption ng IG post ni Pia.
Nagbahagi rin sa kanyang Instagram page ang anak ni Francis na si Maxene ng pag-alala sa kamatayan ng ama.
“We lost you 14 years ago today and we’ve been missing you everyday since. My love for you is undying, Pop. Rap in paradise,” mensahe ng Kapamilya actress.
Nagbahagi rin ang isa pang anak ni Francis na si Saab sa IG ng mga litrato ng kanyang anak na sina Pancho at Vito habang dumadalaw sa puntod ng OPM icon.
Baka bet mo: Tribute ni Bitoy sa kamatayan ni Francis trending
“The boys seemed very clingy to their Ate Luna hehe. And I’m sure pop is loving that his grandkids are dancing on his grave, proving that showmanship runs in the family,” sey niya sa caption.
View this post on Instagram
Si Francis M ay anak ng legendary actors at celebrity couple na sina Pancho Magalona at Tita Duran na sumikat noong dekada 40. Nagsimula sa showbiz si Kiko (palayaw ni Francis) noong 1980.
Siya ang nagpasikat sa classic OPM hit na “Mga Kababayan” na nakapaloob sa makasaysayan niyang album na “Yo!” Na ni-release noong 1990. Ang iba pa niyang hits ay ang “Ito ang Gusto Ko,” “Meron Akong Ano,” “Mga Praning,” at “Kaleidoscope World.”
May walong anak sina Francis M at Pia – sina Unna, Nicolo, Francis Jr., Isabella, Elmo, Arkin, Clara at Maxene.
Related Chika:
Juday umamin, super crush noon si Francis M: Patay na patay ako sa kanya!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.