Arkin Magalona nag-react sa isyu kung sino ang ‘King of Rap’
NAGSALITA si Arkin Magalona isa sa mga anak ng tinaguriang Master Rapper na si Francis Magalona hinggil sa girian kung sino nga ba ang dapat hirangin na “King of Pinoy Rap”.
Sa kanyang Facebook page ay ibinahagi ng binata ang post ng Dongalo Wreckords patungkol sa metrics o requirements para matawag na “King of Rap”.
“wala sa metrics ang pagiging “king”, kung buhay pa tatay ko siya pa mismo magsasabi niyan. kusa ka magiging “king” pag tinuring ka na ng mga tao bilang hari,” saad ni Arkin.
Baka Bet Mo: Pia, Saab, Maxene sama-sama sa 15th death anniversary ni Francis Magalona
Pagpapatuloy pa ni Arkin, “para sa fellow artists diyan, old heads and new wave, ilabas niyo lang ang mga gusto niyo ipakita sa mundo. maraming mga nag aabang at mag aabang pa sa mga bago niyong gawa, trust me.”
Marahil ay hindi napigilan ng singer na mag-react lalo na’t nasa naturang poster ang pangalan ng kanyang ama pati na rin ang ngalan ni Andrew E.
Ayon kasi sa naturang post na ibinahagi ni Arkin, may tatlong rason para matawag na “hari”.
“1. You must be rapping and publicly performing by 1986; 2. You must have a retail rap album by 1990; 3. Your released album must be certified with a platinum record.”
Sa tatlong “requirements” na nabanggit ay parehas na pasok ang ama ni Arkin at si Andrew e.
Para sa mga hindi aware, nagsimul ang isyu patungkol sa sino ang “King of Pinoy Rap” matapos tawagin ng isang pahayagan si Gloc 9 bilang “hari”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.