Gloc-9 inalala ang pag-utang kay Francis: Ibang level si Sir Kiks

Gloc-9 nangutang kay Francis M ng pang-tuition: Ibang level si Sir Kiks!

Ervin Santiago - July 25, 2024 - 03:06 PM

Gloc-9 nangutang kay Francis M ng pang-tuition: Ibang level si Sir Kiks!

Gloc-9 at Francis Magalona

HINDING-HINDI makakalimutan ng OPM icon at award-winning rapper na si Gloc-9 ang kabaitan at kababaan ng loob ng Master Rapper na si Francis Magalona.

Sarawa pa rin sa isipan ni Gloc-9 ang araw nang mangutang siya ng pera sa yumaong singer-actor at TV host para sa pambayad ng kanyang tuition fee.

Baka Bet Mo: Gloc-9 muntik nang maging OFW, inalala ang hirap bago maging sikat na rapper

Kahit daw hiyang-hiya ay talagang nanghiram siya ng pera kay Francis dahil walang-wala na siyang malapitan noong panahong yun.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aristotle Pollisco (@glocdash9)


Kuwento ni Gloc-9 sa nakaraang episode ng “Fast Talk With Boy Abunda” nitong Miyerkules, nangyari ito noong nag-aaral pa siya ng nursing. At in fairness, hindi raw siya nabigo sa pangungutang sa Master Rapper.

“Kinapalan ko na mukha ko. ‘Sir Kiks, puwede ba akong mangutang sa ‘yo?’ Sabi niya sa ‘kin, ‘Daan ka dito sa Eat Bulaga, bigyan kita ng pera pang-tuition mo, walang strings attached,'” ang pag-alala ni Gloc-9 sa kabaitan ng tatay nina Maxene at Elmo Magalona.

Tandang-tanda rin daw niya ang sinabi ni Francis sa kanya that time, “Siya ang nagsabi nito. ‘Ang pera kinikita. Ang kaibigan, mahirap.'”

Baka Bet Mo: Chito puring-puri si Gloc-9: Na-miss ko ‘tong taong ‘to, napakabait at iba talaga kaya pinagpala

Ibinalik naman daw niya ang inutang na pera kay Francis dahil ayaw niyang masira ang tiwala sa kanya ng kanyang idol.

“Si Sir Kiks ay ibang level. May time na, ‘Sir Kiks, binyag ng mga anak ko, eh. Puwede ka ba?’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aristotle Pollisco (@glocdash9)


“I think meron siyang lunch with his family, ‘yung lunch niya with his family, ginawa niyang malapit dun sa binyag para lang maka-attend siya,” pagbabalik-tanaw pa ni Gloc-9 na nabanggit ding ninong ng kambal niyang anak si Francis.

Itinuturing ni Gloc-9 na inspirasyon si Francis M at isa raw ito sa mga taong talagang pinagkakautangan niya ng malaki.

Pumanaw si Francis M noong March, 2009 dahil sa sakit na leukemia.

“Ako’y fan ni Francis M. Parang understatement nga ang number 1 fan. Pero para ang isang tagahanga ay magkaroon ng relasyon sa kanyang iniidolo ay isang sobrang agang tagumpay na para sa akin,” sabi pa ni Gloc-9.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ilan sa mga kantang pinasikat ng OPM icon ay ang “Sirena,” “Upuan,” “Lando”, “Hari ng Tondo,” at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending