Juday umamin, super crush noon si Francis M: Patay na patay ako sa kanya! | Bandera

Juday umamin, super crush noon si Francis M: Patay na patay ako sa kanya!

Ervin Santiago |March 21,2021
facebook
share this

Juday umamin, super crush noon si Francis M: Patay na patay ako sa kanya!

Ervin Santiago - March 21, 2021 - 09:39 AM

KNOWS n’yo ba kung sino ang super crush ng Kapamilya actress-TV host na si Judy Ann Santos noong kabataan niya?

Yan ay walang iba kundi ang yumaong actor-TV host at singer-songwriter na si Francis Magalona.

Inamin ni Juday sa chikahan nila ng celebrity doctor na si Aivee Teo sa latest vlog nito na “biggest showbiz crush” niya ang Master Rapper.

“Oo. Patay na patay ako sa kanya. Kilig na kilig talaga ako sa kanya,” simulang pahayag ng misis ni Ryan Agoncillo.

Patuloy pa ng award-winning actress at Soap Opera Queen, “Alam ni Ryan ‘yun, na crush na crush ko si Francis Magalona, even noong kami na.

“Tapos nalalaman ko kasama niya si Francis Magalona. Tuwing magte-taping siya, pumupunta talaga ako,” ang kinikilig pang kuwento ng aktres.

Pero bakit nga ba si Francis ang pinaka-crush niya noon, “Ang bait-bait kasi ng taong ‘yun. Tsaka kilig na kilig talaga ako sa kanya tuwing nakikita ko siya. Iba yung datingan niya.”

Pumanaw si Francis noong March, 2009 sa edad na 44 dahil sa leukemia, isang buwan bago ikasal sina Judy Ann at Ryan.

Bukod kay Francis, isa pa raw sa mga celebrity crush niya noon ay si JC Bonnin, na isa ring matinee idol noon na sumikat sa iconic movie na “Bagets” noong dekada 80.

Nang mabanggit naman ang isa pa sa bida ng “Bagets” na si Aga Muhlach, sey ni Juday, “Ano kami ni Aga, mas hangout buddies kami ni Aga.

“Pero matanda na kami noon pareho. Parang feeling ko mas okay kaming barkada. Ganu’n lang talaga kami,” paliwanag niya.

Tungkol naman sa first boyfriend at dati niyang ka-loveteam na si Wowie de Guzman, hindi diretsong sinagot ng aktres kung ilang taon tumagal ang kanilang relasyon.

“Wala naman…alam mo naman kapag bata ka ‘di ba? Kami lang naman lagi ang magkasama because magka-love team kami. So wala talagang ano, wala ‘yung anniversary.

“Probably because the feelings were…there was no choice because you see each other every day,” she said. “Parang on-off on-off. Away-bati. Okay-hindi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So parang hanggang sa point na tumatanda ka na, nare-realize mo na ‘Ay, hindi naman pala talaga ito totoo,'” paliwanag pa ni Juday.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending