Rita Daniela naging 'third party' ng isang 'celebrity couple' noon

Rita Daniela naging ‘third party’ ng isang ‘celebrity couple’ noon

Therese Arceo |February 14,2024
facebook
share this

Rita Daniela naging ‘third party’ ng isang ‘celebrity couple’ noon

Therese Arceo - February 14, 2024 - 09:16 AM

Rita Daniela naging 'third party' ng isang 'celebrity couple' noon

Rita Daniela

INAMIN ng Kapuso star na si Rita Daniela na minsan sa kanyang buhay ay naging “third party” na siya o dahilan para maghiwalay ang isang couple.

Sa kanyang guesting sa programang “Sarap, ‘Di ba?”, sumalang ang aktres sa segment na “True or Charot” kung saan magsasabi siya ng mga statement at huhulaan ng ibang players kung totoo ito o hindi.

“Na-experience ko maging third party sa isang relasyon. Naghiwalay sila dahil sa akin,” pagbabahagi ni Rita.

Nagbigay pa nga ng clues ang aktres at sinabing nangyari ito noong 2017 to 2018 ngunit hindi niya sinabi ang detalye ukol sa naghiwalay na couple.

Pagkukuwento ni Rita, sinabi raw sa kanyang ng lalaki na hiwalay na sila ng kanyang dyowa kahit ang totoo ay hindi pa pala.

“Kasi usually sabi kapag mga ganiyan wala na sila, ‘di na sila okay tapos meron pa rin pala so nung nalaman ko syempre tinigil.

Baka Bet Mo: Rita Daniela umaming na-in love kay Ken Chan, hindi susukuan ang pag-ibig: ‘Dream ko pa ring maglakad na naka- wedding gown’

“So nung tinigil medyo naging makulit si guy so ako naman ginawa ko lahat para hindi siya matuloy pero syempre nung nalaman ni girl naghiwalay sila. But also nangyari ‘yon kasi wala pa akong God sa buhay ko,” saad ni Rita.

Inamin rin niyang humingi siya ng tawad sa magdyowa ng maraming beses at sinabing ang naturang couple sy kasal na ngayon.

Nang tanungin si Rita kung celebrity ang mga ito, sinabi niyang, “Pwede”.

Matatandaang last year lang nang ibahagi ni Rita na hiwalay na sila ng kanyang non-showbiz partner matapos ang kanilang apat na taong relasyon.

Sa ngayon ay co-parenting ang set up nila Rita at dating dyowa sa kanilang anak na si Uno.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Naging bukas rin ang Kapuso actress sa kanyang mga nagdaang interview ukol sa na-develop niyang feelings sa dating ka-love team at kaibigang si Ken Chan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending