Rita Daniela may pa-face reveal kay Baby Uno, opisyal nang ipinakilala sa madlang pipol: ‘My hope and my home’ | Bandera

Rita Daniela may pa-face reveal kay Baby Uno, opisyal nang ipinakilala sa madlang pipol: ‘My hope and my home’

Pauline del Rosario |April 27,2023
facebook
share this

Rita Daniela may pa-face reveal kay Baby Uno, opisyal nang ipinakilala sa madlang pipol: ‘My hope and my home’

Pauline del Rosario - April 27, 2023 - 11:17 AM

Rita Daniela may pa-face reveal kay Baby Uno, opisyal nang ipinakilala sa madlang pipol: ‘My hope and my home’

PHOTO: Instagram/@missritadaniela

FINALLY! Ipinakilala na sa publiko ng Kapuso actress na si Rita Daniela ang kanyang first baby na si Uno.

Sa isang Instagram video ay proud na ibinandera ni Rita ang kauna-unahang face reveal ng kanyang anak.

Bungad pa sa kanyang caption, “sending good vibes, love and hope to everyone [heart emoji].”

Tinawag pa niya itong, “my hope, my ball of sunshine and my home.”

Ani pa ng actress, “I’m so blessed and proud to be your nanay.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rita Daniela (@missritadaniela)

Tuwang-tuwa naman ang libo-libong netizens sa pa-face reveal ni Rita.

Baka Bet Mo: Ken Chan na-inlove noon kay Rita Daniela: Hindi ko naiwasan na masaktan siya

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Finally happy to see you bubba, you are the cutest and handsome boy I ever seen!! I Love You and your Nanay so much.”

“Hi Uno ang cute mo naman. Hi Ms. Rita miss you na po sa Sunday Pinasaya. Ingat po palagi.”

“WAAAAAAH!!! Ang cuuuuuute ni Uno!!!! More videos please! [red heart emojis].”

Magugunitang December 22 nang manganak si Rita, ngunit ibinalita niya ito noong December 24 sa social media.

Ayon pa sa kanya, si Baby Uno ay ang “greatest gift” sa kanyang buhay.

Ibinandera ni Rita Daniela ang kanyang pagbubuntis noong June 2022 sa isang episode ng Kapuso show na “All-Out Sundays.”

Maraming ang nabigla sa announcement ng singer dahil wala raw silang idea na magiging mommy na siya.

“I’m so happy and proud to say that I am soon to be a mother. Wala naman po akong planong ilihim ‘to. Naghanap lang po ako ng tamang oras para sabihin and to share the new blessing in my life,” mensahe ni Rita.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kitkat pinaayos ang kilay at lashes bago manganak: Pak! Siyempre full smile rin para walang panget moment sa pictures!

Ken Chan nagsalita na sa pagbubuntis ni Rita Daniela: I’m so proud of you

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending