Kitkat pinaayos ang kilay at lashes bago manganak: Pak! Siyempre full smile rin para walang panget moment sa pictures! | Bandera

Kitkat pinaayos ang kilay at lashes bago manganak: Pak! Siyempre full smile rin para walang panget moment sa pictures!

Ervin Santiago |August 07,2022
facebook
share this

Kitkat pinaayos ang kilay at lashes bago manganak: Pak! Siyempre full smile rin para walang panget moment sa pictures!

Ervin Santiago - August 07, 2022 - 06:58 AM

Kitkat, Walby Fabia at Baby Girl Uno

PINAGHANDAAN pala talaga ng singer-comedienne na si Kitkat ang kanyang itsura bago isilang ang panganay na anak na si Baby Girl Uno Asher.

Literal na hanggang langit ang nararamdamang kaligayahan ng komedyana sa pagdating ng first baby nila ng kanyang non-showbiz husband na si Walby Favia.

Agad na ibinahagi ni Kitkat sa social media ang litrato nila ni Baby Girl Uno matapos niya itong isilang na sinundan ng photo nila ng asawa kasama ang sanggol.

Naging emosyonal pa nga ang singer-comedienne sa kanilang first family photo.

Aniya sa caption ng ipinost niyang mga litrato sa Instagram, “Finally… my very OWN family picture! Di ako nagpa bangag para alam ko lahat ang photo op wahahah at syempre full smile para walang panget moment sa mga pictures!

“Hehehe kahit kakaiyak lang namin ni sweetie nyan! At syempre di pwedeng di pak ang kilay at ang lashes whahahaha niretats na few days before manganak.

“I love you so much mag ama ko! My everything! #FaviaFamily #partyOf3.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by “Kitkat” #ACTRESS #SINGER🇵🇭 (@favkitkat)


Sa isa pa niyang Instagram post, sinabi ni Kitkat na kahit puyat na puyat siya at wala pang tulog, worth it lahat lalo na kapag nasa mga braso niya si Baby Uno.

“’Yung super wala ka pang tulog kahit segundo at wala ka pang kain pero super all worth it!

“Kumpleto na talaga buhay ko sa maliit na pamilya ko… hello world daw sabi ng Baby Girl Uno Asher B. Favia ko definitely my mini me!

“Taas ng boses eh hahahaha! pati kilay plakado!” pahayag ng komedyana.

Bukod sa kanilang pamilya at social media followers, binati rin ng ilang celebrities ang mag-asawa kabilang na sina Jessa Zaragoza, Chariz Solomon, Alessandra de Rossi, Valeen Montenegro at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ikinasal sina Kitkat at Walby noong 2014.

Kitkat Favia isinilang na si Baby Girl Uno: My life is complete! Thank you Lord!

Madam Kilay inalok ni Darryl Yap na gumanap bilang Cory Aquino sa ‘Maid in Malacañang’

Kitkat bagay maging co-host sa It’s Showtime

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending