Ken Chan na-inlove noon kay Rita Daniela: Hindi ko naiwasan na masaktan siya | Bandera

Ken Chan na-inlove noon kay Rita Daniela: Hindi ko naiwasan na masaktan siya

Therese Arceo |February 23,2023
facebook
share this

Ken Chan na-inlove noon kay Rita Daniela: Hindi ko naiwasan na masaktan siya

Therese Arceo - February 23, 2023 - 04:37 PM

Ken Chan na-inlove noon kay Rita Daniela: Hindi ko naiwasan na masaktan siya

AMINADO ang Kapuso star na si Ken Chan na talagang nahulog at na-inlove siya sa dating ka-love team na si Rita Daniela.

Sa kanyang interview sa “Fast Talk With Boy Abunda” ay nabanggit ng host ang naging samahan nila ng Kapuso actress.

“Dumating kasi kami sa point ni Rita na… Totoo pala ‘yun Tito Boy, posible ka pala talagang mahulog sa ka-love team mo. Akala ko kasi dati hindi totoo ‘yun. Parang kaya mong pigilan,” pag-amin ni Ken.

Kuwento niya, nagkaroon raw sila noon ng pangako ni Rita na walang mai-inlove sa isa’t isa ngunit hindi nila ito natupad dahil eventually ay nagkainlaban rin sila.

“Inamin namin sa isa’t isa kung gaano namin kamahal ang isa’t isa more than friends, more than katrabaho, beyond that. Pero alam namin ang limitasyon namin,” pagbabahagi ni Ken.

Noong mga panahon raw kasi na ‘yun kung saan hindi nila inaasahan na magkakagustuhan sila ay may mga naka-set na silang goals at priorities kaya hindi rin sila nagkatuluyan.

“May sarili siyang priorities, ako din Tito Boy. Nung mga panahon na ‘yun pinaliwanag ko sa kanya na nasa point ako na tinatayo ko yung mga business na gusto ko. And I really wanna focus doon sa business and sa career ko sa industriya natin. Naintindihan naman niya pero hindi ko naiwasan na masaktan siya. Nasaktan ko siya,” lahad ni Ken.

Sa kabila naman ng mga nangyari sa pagitan nila ay nanatili naman silang magkaibigan.

Sa katunayan ay nabanggit pa nga ni Ken na after ng kanyang interview kay Tito Boy ay pupuntahan nito ang aktres para dalawin ito pati na rin ang anak nito.

Matatandaang nitong Devember 22, 2022 nang ipanganak ni Rita ang kanyang panganay na anak na si Baby Uno.

May mga intriga noon na baka si Ken ang ama ng anak ni Rita ngunit dinenay niya ito at sinabing ang kanyang non-showbiz boyfriend ang tatay ng kanyang baby.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ken Chan (@akosikenchan)

Related Chika:
Rita Daniela, Ken Chan may sariling diskarte sa love scene, walang arte-arte

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ken Chan itinangging pinaparinggan si Rita Daniela, inaming maayos ang kanilang relasyon

Ken Chan single pa rin: Wala naman pong pumipigil, pero…

Ken Chan tinraydor: Ang sakit pala kapag ang taong malapit sa ‘yo ay kaya kang siraan, buti na lang talaga…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending