Ken Chan tinraydor: Ang sakit pala kapag ang taong malapit sa 'yo ay kaya kang siraan, buti na lang talaga... | Bandera

Ken Chan tinraydor: Ang sakit pala kapag ang taong malapit sa ‘yo ay kaya kang siraan, buti na lang talaga…

Ervin Santiago |April 26,2022
facebook
share this

Ken Chan tinraydor: Ang sakit pala kapag ang taong malapit sa ‘yo ay kaya kang siraan, buti na lang talaga…

Ervin Santiago - April 26, 2022 - 07:33 AM

Rita Daniela at Ken Chan

SINO nga kaya ang pinatatamaan ng Kapuso star na si Ken Chan sa sunud-sunod niyang cryptic message sa Twitter nitong nagdaang weekend?

True kaya ang hula ng ilang netizens na patungkol ito sa dati niyang ka-loveteam na si Rita Daniela? O, baka naman isa itong artista rin na nakasamaan niya ng loob?

Mukhang seryoso at malalim ang pinaghuhugutan ni Ken at in fairness, ngayon lang namin nakitang nagalit at nag-post ng kanyang sama ng loob sa social media sa ilang taon na niyang pananatili sa showbiz.

Posible nga kayang may konek ang mga hugot tweet ng binata nitong nagdaang Sabado, April 23, sa nabuwag na tambalan nila ni Rita kung saan nabanggit nga niya na may isang taong nagtraydor sa kanya.

“Reminder: Huwag na huwag kang maninira ng ibang tao masama yun, lalo na wala namang atraso sayo yung taong sinisiraan mo. Nakatingin sa yo si Lord (pray emoji),” simulang mensahe ni Ken.

Isang Twitter user ang nagkomento sa post ni Ken na may user name na Fanatic Girl, “Ken chan?! Ano puwede ako ngyn weekend. Pag usapan natin yan pinagdadaanan mo?! Shot puno na ba?! Hahaha.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ken Chan (@akosikenchan)


“Pero kung ano man yan, kapit lang kay Lord di Ka niya huhusgahan. Tapos tawagan mo si Rita, ganern! Charooot!” aniya pa.

Tugon ng aktor sa kanya, “Mas importante yung sinabi mo na kumapit kay Lord (smile and pray emoji).”

Sabi uli ni Fanatic Girl, “Yun ang masakit sa backstab… hindi yun mga sinasabi or kinakalat niya, ang mas masakit kung sino ang may hawak ng knife paglingon mo.”

“Nakuha mo!!” reply naman ng aktor.

Dito, marami ang nag-comment na mukhang si Rita nga raw ang tinutukoy ni Ken, lalo pa’t hindi siya kumibo nang mabanggit ni Fanatic Girl ang name ng aktres.

Kasunod nito, mariin ding sinabi ni Ken na hindi ang mga kapamilya niya ang kanyang tinutukoy sa kanyang mga tweet, “Nagtaka ka pa kung bakit ganito mga posts ko ah. Tanungin mo kaya sarili mo kung bakit.

“Realization: Ang sakit pala kapag ang taong malapit sayo ay kaya kang siraan. Buti na lang talaga,” dagdag pang hinanakit ni Ken.

Mensahe pa ng binata, “Ngayon lang ako nagpost ng mga ganito. I’m sorry guys kailangan ko lang ilabas ang galit na nararamdaman ko.

“Pasensya na naaapektuhan ko kayo. Hindi ko lang din kasi kinaya. Kapag nagrant ako at nilabas ko ang saloobin ko baka hindi niyo kayanin kaya ok na ito. Salamat sa inyong lahat!” dagdag pang pahayag ng Kapuso star.

Bago ito, nagpahayag pa si Ken na okay na okay daw sila ngayon ni Rita at wala silang isyu sa isa’t isa kahit pa nga nabuwag na ang kanilang loveteam.

“Nag-uusap kami, siya sobrang happy siya para sa akin and I’m also happy for her. Sabi nga niya, sana balang araw ay magkaroon pa rin kami ng projects na dalawa.

“At iyon din naman ang ipinagdarasal ko. Alam ko at nararamdaman ko rin naman na in the future magkakaroon ulit kami ng pagsasamahang project ni Rita.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Maganda ang relationship namin ni Rita kahit na hindi kami magkasama sa mga projects. Mas lumalim ‘yung relationship namin at turingan namin sa isa’t isa. I love her,” ang sabi pa ni Ken bago ang kanyang pasabog na mga hugot.

Ken Chan single pa rin: Wala naman pong pumipigil, pero…

‘Grabe si Ken Chan, ikaw na talaga! Nangangamoy best actor na naman!’

Rita sa pasabog na love scene nila ni Ken: Masarap! Aarte pa ba ‘ko? Happy to serve!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending