Ken Chan single pa rin: Wala naman pong pumipigil, pero... | Bandera

Ken Chan single pa rin: Wala naman pong pumipigil, pero…

Ervin Santiago |June 30,2021
facebook
share this

Ken Chan single pa rin: Wala naman pong pumipigil, pero…

Ervin Santiago - June 30, 2021 - 09:01 AM

SINGLE pa rin hanggang ngayon ang Kapuso actor at TV host na si Ken Chan.

Ngunit kahit walang lovelife hindi naman ito nagiging hadlang para mas pagbutihin pa niya ang pagtatrabaho at i-level up ang kanyang talento sa bawat proyektong ginagawa niya.

Sa nakaraang digital presscon ng GMA para sa bago nilang afternoon series na “Ang Dalawang Ikaw” nagsimula na last week, natanong si Ken kung saan siya kumukuha ngayon ng inspirasyon at kung bakit mas pinili niyang manatili munang single.

“Wala naman pong pumipigil and as of now, hindi po namin kailangan ng inspirasyon from a special someone para magawa po namin yung mga eksena namin,” pahayag ng Kapuso star.

Sabi ng binata, ang isa pang nagbibigay ng motivation sa kanya pati na rin sa leading lady niya sa “Ang Dalawang Ikaw” na si Rita Daniela ay ang tiwala sa kanila ng GMA.

Napakaswerte raw nila ng aktres dahil hanggang ngayon ay nabibigyan pa rin sila ng magagandang proyekto at may trabaho pa sila sa gitna ng pandemya.

Ayon naman kay Rita, humuhugot talaga siya kay Ken sa mga matitinding eksena nila sa bago nilang serye at naniniwala siyang mas madali na silang makakonek ngayon sa isa’t isa.

“Kasi tulad ako, honestly, kapag nakita kong mukhang sanay si Ken Chan sa part na yun, kailangan maging mahusay rin ako kasi nakakahiya sa kanya kasi binibigay niya yung 110% niya eh. 

“So nakakahiya yung kung magbibigay lang ako ng 98% di ba? So I guess yun yung nagwowork sa amin,” sey ni Rita.

Sabi naman ni Ken, “Sa tatlong taon na magkasama kami ni Rita, napanatili namin yung relationship namin na malalim. Kasi mahirap yun, eh. 

“Nagkaroon po ako ng mga partners before and hindi ganito yung relationship ko with them na sobrang lalim. Maganda naman yung mga relationship ko sa kanila, pero dito kay Rita, dito ko naramdaman yung importante ka,” pahabol pa ni Ken Chan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending