Rita Daniela, Ken Chan may sariling diskarte sa love scene, walang arte-arte | Bandera

Rita Daniela, Ken Chan may sariling diskarte sa love scene, walang arte-arte

Ervin Santiago |July 05,2021
facebook
share this

Rita Daniela, Ken Chan may sariling diskarte sa love scene, walang arte-arte

Ervin Santiago - July 05, 2021 - 09:39 AM

PINANINDIGAN na nga ng Kapuso loveteam na sina Ken Chan at Rita Daniela ang pagiging palaban at daring sa bago nilang teleseryeng “Ang Dalawang Ikaw” sa GMA 7.

In fairness, talagang level up to the max ang ipinakikitang performance nina Ken at Rita sa nasabing GMA Afternoon Prime series lalo na pagdating sa kanilang mga mapangahas na love scenes. 

Mas mature at mas malalim na ang mga ginagampanang role ngayon ng dalawa na gumaganap ngang mag-asawa sa serye kung saan tinatalakay ang mga challenges na pinagdaraanan ng mga married couples.

Kuwento ni Ken, talagang tinanggap nila ni Rita ang matitinding hamon na haharapin nila sa serye, kabilang na ang mga intimate scenes nila ng aktres pati sa isa pa niyang leading lady na si Anna Vicente.

“Nagkaroon kami ng pagkakataon na i-direct ‘yung mga sarili namin. Merong mga pagkakataon na kami ni Rita na sinasabi namin, ‘O, ganito ‘yung gagawin, iaakyat mo ‘yung legs mo dito.’ 

“Tapos sasabihin ni Rita, ‘ilalagay ko ‘yung kamay ko sa batok mo.’ Bubuhatin ko siya, ihahagis ko siya. Sobrang nakakatuwa lang.

“Very matured ang role namin dito and kailangan talaga namin ipakita sa mga eksena namin ‘yung buhay mag-asawa,” pahayag ng Kapuso actor.

Ayon naman kay Rita, talagang saludo siya sa dedikasyon at professionalism ni Ken bilang aktor na una niyang nakatambal sa seryeng “My Special Tatay.”

“Nabilib na ako sa kanya sa My Special Tatay. Akala ko ‘yun na ‘yung peak n’ya as an actor but as we’re doing this series, ‘yung Ang Dalawang Ikaw, parang pagaling siya nang pagaling.

“Sabi ko, ‘Shocks, akala ko ‘yun na. May mas may igagaling pa pala siya.’ As in merong eksena na I just found myself watching him and I forgot that I’m part of the scene.

“Kailangan talaga nila itong panoorin at subaybayan kasi, grabe, ibang aktor talaga. Ibang Ken Chan ‘yung mapapanood dito,” pagmamalaki pa ni Rita sa kanyang leading man.

Samantala, itinuturing naman ni Anna Vicente na isang inspirasyon si Ken. Siya ang kaagaw ni Rita sa puso ni Ken sa “Ang Dalawang Ikaw.”

Pahayag ni Anna, “Before kasi kami maglock-in, we did a series of workshops na with Kuya Ken so ‘yun, na-build kaagad namin ‘yung chemistry namin and he’s super nice. Talagang he helps me, sobrang idol ko po so Ken Chan. He is such an inspiration.”

Isa pang nang-aagaw ng eksena sa serye ay ang magaling ding aktor na si Dominic Roco na gumaganap na protective brother ni Rita.

Sey ni Dominic, bukod sa dissociative identity disorder (DID), tatalakayin din sa show ang ilang mental health issues.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“It’s a big problem that we have globally and people don’t realize it. It can be helped and prevented if people are aware about it,” pahayag ng anak ng veteran at award-winning actor na si Bembol Roco.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending