Ken Chan itinangging pinaparinggan si Rita Daniela, inaming maayos ang kanilang relasyon | Bandera

Ken Chan itinangging pinaparinggan si Rita Daniela, inaming maayos ang kanilang relasyon

Therese Arceo |May 28,2022
facebook
share this

Ken Chan itinangging pinaparinggan si Rita Daniela, inaming maayos ang kanilang relasyon

Therese Arceo - May 28, 2022 - 11:28 AM

Ken Chan itinangging pinaparinggan si Rita Daniela, inaming maayos ang kanilang relasyon
INIHAYAG ng Kapuso actor na si Ken Chan na wala na sa ngayon ang kanilang love team ng Kapuso singer-actress na si Rita Daniela.

Sa nagdaang mediacon para sa bagong single niyang “Quaranfling” under GMA Music.

Natanong kasi siya patungkol sa kanilang tambalang RitKen at kung may tsansa pa ba na muli silang magkasama sa isang proyekto o malabo na itong mangyari.

“Hindi naman po malabo yung RitKen tandem. Looking forward pa rin po ako na makatrabaho si Rita in the future,” sagot ni Ken.

Dagdag pa niya, “Ipinaliwanag po sa amin ng Sparkle at GMA Artist Center na may time lang po talaga ang love team.”

Talagang blessed lang sina Ken at Rita na pumatok sa madlang pipol ang naging tambalan nila ni Rita dahil aksidente lang naman daw ito at hindi expected na magiging maluwag ang pagtanggap ng mga tao sa kanilang teleseryeng “My Special Tatay”.

Hindi rin sigurado ng aktor kung kailan sila muling magkakaroon ng proyekto ng dalaga ngunit looking forward siya sakaling mangyari ito.

Nilinaw rin ni Ken na maayos ang relasyon sa pagitan nila ni Rita at wala silang problema sa isa’t isa.

“Okay na okay po kami ni Rita. Minsan nangangamusta. Hindi rin po kami masyadong nakakapag-usap kasi na-busy po ako sa ‘Mano Po’ pero okay po kami ni Rita. Wala pong problema po sa amin,” sagot nito.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ken Chan (@akosikenchan)

 

Itinanggi rin ng Kapuso actor na amg dalaga ang kanyang pinatatamaan sa mga nagdaan niyang tweets.

“Ay, naaalala n’yo pa po pala ‘yung ti-nweet ko. Nakuha ko po ata sa Google yun,” natatawang sey ni Ken.

Chika niya, marami naman daw talagang tao na pilit kang ibaba pero payo nito na hayaan na lamang at huwag pansinin.

“Marami po talagang tao sa atin, hindo lang po sa mga artista, kahit sa ating lahat, na makakaranas talaga ng ganong experience. May mga tao talaga na pilit kang ibaba pero may nakapagsabi sa akin dati, actually yung parents ko na kapag pinipilit kang ibaba hayaan mo lang sila kasi kung sino yung pinipilit na ibaba ang siyang itinataas ng Panginoon,” lahad ni Ken.

Hindi naman na nabanggit ng aktor kung sino nga ba ang pinatatamaan nito ngunit kung sino man ito ay kinalimutan na raw niya kung anong ginawa nito at patuloy pa rin niya itong itinururing na kaibigan.

“Hindi kasi ako nagtatanim ng sama ng loob, ng galit, e. Yun ang isa sa mga ano ko po… isa sa mga blessed and thankful ako.

“Hindi ko naman sinasabi na hindi ako marunong magalit, pero hindi ako nagtatanim ng galit at sama ng loob. So, madali talaga akong magpatawad ng tao.

“Wala naman pong problema dun. Kung ano po… maging kaibigan ko pa rin naman siya,” mahabang paliwanag ni Ken.

Related Chika:
Rita Daniela, Ken Chan may sariling diskarte sa love scene, walang arte-arte

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ken Chan tinraydor: Ang sakit pala kapag ang taong malapit sa ‘yo ay kaya kang siraan, buti na lang talaga…

Ken Chan single pa rin: Wala naman pong pumipigil, pero…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending