V-Day 2025: Alexa, Rita ipaglalaban ba ang taong mahal kahit ayaw na sa kanila?

PHOTO: Courtesy of Sean Jimenez
HETO nanaman tayo sa Valentine’s question na dapat bang ipaglaban ang taong mahal mo na ayaw na sayo?
Ang mga nakachikahan namin this time ay ang dalawang aktres na sina Alexa Ilacad at Rita Daniela.
Kamakailan lang kasi, naimbitahan ang BANDERA at ilang entertainment press sa isang rehearsal visit at roundtable discussion para sa upcoming musical play na “Liwanag sa Dilim” at tampok doon sina Alexa at Rita.
View this post on Instagram
Anyway, agree si Alexa na dapat ipaglaban ang taong mahal mo, pero dapat daw may limitasyon pa rin.
Baka Bet Mo: V-Day 2025: Intramuros very romantic, nostalgic, picture perfect date spot
“‘Yung bibigyan mo siya ng –not naman time table, pero ang hirap naman kasi na hindi mo ipaglalaban eh. Kasi magsisisi ka at the end na wala kang ginawa,” paliwanag niya.
Patuloy ng dalaga, “At least ito, paglaban mo isang beses. Try mo lang. Kapag wala talaga, you tried. At least you did your part and if it didn’t work out, it’s not on you.”
“So para lang wala kang pagsisisi in your heart na you didn’t even try. Pero ayun nga, may hangganan, huwag naman ‘yung paulit-ulit kung halata naman na ayaw na talaga sayo,” aniya pa.
Kabaliktaran naman ang naging sagot ni Rita nang tanungin namin siya.
Para sa kanya, hindi dapat pinaglalaban ang isang tao kung ayaw naman na sayo.
“What you think or treat of yourself is how people will treat you, so if you think you know what you deserve, then you should do that,” esplika niya.
Samantala, showing na next month ang “Liwanag sa Dilim” musical na tampok ang mga kanta ng OPM icon na si Rico Blanco.
Mula ito sa direksyon ni Robbie Guevara at bukod kina Rita at Alexa, ang mga bibida rin ay sina Khalil Ramos, Anthony Rosaldo, CJ Navato, Vien King, at Nicole Omillo.
Ang nasabing play ay iikot sa kwento ni Elesi na ayon sa 9 Works Theatrical, “an orphan on his quest to uncover the secrets of his past. Together with Cris, his trusted ally, they fight for justice — while an undeniable connection sparks between them and the people who challenge their hearts. This ignites a revolution that redefines their worlds.”
Mapapanood ang musical simula March 7 –tuwing weekends 3:00 p.m. at 8:00 p.m., pati na rin tuwing Biyernes at 8:00 p.m. sa CPR Auditorium, RCBC Plaza sa Makati City.
Ang tickets ay mabibili na sa Ticket2Me via https://ticket2me.net/LiwanagSaDilimMusical.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.