V-Day 2025: Angelu sa taong mahal mo pero ayaw na sayo: ‘Know your worth!’

PHOTO: Courtesy of Sean Jimenez
DAPAT mo bang ipaglaban ang taong mahal mo kung ayaw na sayo?
‘Yan ang isang tanong ng BANDERA sa mga nakakasalubong naming celebrities at kilalang personalidad ngayong Valentine’ Day.
Kamakailan lang, na-meet namin ang batikang aktres na si Angelu de Leon sa isang fashion event at ang kanyang sagot sa aming tanong ay patungkol sa “self-worth” at “self-love.”
“Napakahirap na tanong, pero base na rin sa pinagdaanan ko –dadating at dadating tayo sa panahon na ang dapat na pinaglalaban mo ay sarili mo,” sey niya sa amin.
Baka Bet Mo: Jean Garcia, Angelu de Leon mahilig ‘pakialamanan’ ang mga anak, true ba?
Paliwanag niya, “You have to know your worth, so kung ayaw na sayo, I’m sure masaya ‘yung mga panahong magkasama kayo.”
“Pero ‘yung ipaglaban pa siya, parang kung gaano mo siya minahal, ‘yun na ‘yung pagkakataon na pinaglaban mo siya,” aniya pa.
Kamakailan lang, marami ang napahanga sa naging pagganap ni Angelu sa “Pulang Araw.”
Ang kanyang role ay bilang si Carmela Borromeo, ang nanay ni Teresita (Sanya Lopez) at isa sa nagpahirap sa magkapatid na Adelina (Barbie Forteza) at Eduardo (Alden Richards).
November last year nang pumanaw ang kanyang karakter at lubos ang kanyang pasasalamat na napabilang siya sa nasabing serye.
“Maraming salamat at pinagkatiwala ninyo po sa akin ang karakter ni Carmela Borromeo,” ang bahagi ng post ni Angelu sa kanyang Facebook account.
Dagdag niya, “Isang karangalan ang mapabilang sa Pulang Araw hindi lamang bilang isang artista kung hindi bilang isang Filipino. Nawa’y mahalin natin ang ating bansang Pilipinas.”
View this post on Instagram
Ang “Pulang Araw” ay patuloy na mapapanood sa streaming platform na Netflix.
Samantala, kakandidato uli ang aktres bilang konsehal sa ikalawang distrito ng Pasig City.
Naghain siya ng certificate of candidacy (CoC) noong Oktubre ng nakaraang taon.
“Malapit na tayo sa exciting part patungo sa tuloy-tuloy na pag-agos ng pag-asa dito sa Pasig. Nakikiusap ho ako ulit, kung bibigyan ninyo ng pagkakataon na magsilbi uli sa inyo,” pahayag niya sa panayam ng media.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.