Andrea Brillantes ‘spotted’ na may ka-date na basketball player, true ba?

PHOTO: Instagram/@anthebueano
TOTOO kaya ang usap-usapan na may bagong pag-ibig na ang aktres na si Andrea Brillantes?
Spotted kasi si Andrea na may ka-Valentine’s date kasama ang college basketball player na si Sam Fernandez.
Trending sa Facebook ang video na ibinandera ng Showbiz Broadcast na nagde-date sa isang restaurant kung saan nakasuot ng red polka mini dress ang young actress at may kausap na staff.
Ang basketbolista naman ay mapapanood na nakatayo sa likod ni Andrea at may bitbit na pink roses bouquet.
Baka Bet Mo: Andrea Brillantes naranasan na nga ba ang ‘sumpa’ ng pagiging maganda?
Kapansin-pansin din ‘yung nasabing bouquet na parehong-pareho sa ibinandera ni Andrea sa kanyang TikTok video kaya lalong tumindi ang chikang may “something” sa kanila ng varsity player.
@blythe♬ original sound – dream girl autumn
Sa Reddit naman, may mga nagsasabi na dati pa silang nakikitang magkasama.
“Last year pa sila spotted. Si Blythe tall guys talaga ang type,” saad sa bahagi ng post.

PHOTO: Screengrab from Reddit
As of this writing, wala pang kumpirmasyon kung tunay ang dating rumors sa pagitan nina Andrea at Sam.
Last year, sinabi ng 21-year-old actress na okay naman siyang maging single, pero hindi niya isinasara ang kanyang puso para sa bagong pag-ibig.
“Honestly, l’m fine alone. [Kahit] mag-isa ako, kayang-kaya ko ang lahat,” sey niya sa isang presscon.
Paliwanag niya, “Kasi ang love, ang kaisa-isang emosyon na kahit perfect ka na siguro, kapag tinamaan ka ng pag-ibig, pwede kang manghina.”
Magugunitang ang huling boyfriend niya ay ang basketball player na si Ricci Rivero.
June 2023 nang maghiwalay ang dalawa makalipas ang dalawang taong magkarelasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.