Angelu wish na magkaayos sila ni Claudine sa tamang panahon

Angelu umaasang magkakaayos din sila ni Claudine: Sa tamang panahon

Ervin Santiago - August 05, 2024 - 07:10 AM

Angelu umaasang magkakaayos din sila ni Claudine: Sa tamang panahon

Claudine Barretto at Angelu de Leon

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin nagkakaayos at nagkakabati ang dalawang aktres na ssina Claudine Barretto at Angelu de Leon.

Ayon kay Angelu, wala pang pagkakataon na magkita at magkausap sila ni Claudine matapos ngang mapabalita na meron silang hindi pagkakaunawaan.

Sa pagbisita ni Angelu sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong nagdaang Huwebes, August 1, ay natanong nga ang tungkol sa controversial issue sa pagitan nila ni Claudine.

Baka Bet Mo: Angelu de Leon umaming inaatake pa rin ng Bell’s palsy: But it doesn’t bother me anymore

“There was this issue, Clau spoke about not wanting to work with you for some reason. And then there’s another declaration that she said she regretted it.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Niceprintphoto (@niceprintphoto)


“I hope my narrative is correct. But she was trying to reach out to you,” ang pasakalyeng tanong sa kanya ni Tito Boy.

Sundot pa niya, “Kayo ba’y nagkausap na? Kayo ba’y nagkaayos na?”

Maikling tugon ni Angelu, “Wala pang pagkakataon pero umaasa pa rin ako na darating ‘yung panahon na ‘yon.”

Naging malaking isyu sa showbiz ang sinabi ni Claudine na ang tanging nais lang niyang makatrabaho ay sina Gladys Reyes at Judy Ann Santos at hindi kasali si Angelu.

Baka Bet Mo: Bobby Andrews umaming kinausap ng nanay ni Angelu de Leon para huwag ituloy ang balak na panliligaw

Nangyari ito sa mismong 20th anniversary celebration ni Gladys at ng asawang si Christopher Roxas noong January, 2024.

Sa nasabing event, natanong ni Gladys  si Claudine habang nasa stage sila kung game ba siya sa reunion project with Angelu and Judy Ann

Diretsahang sey ni Claudine, “No, no, no. Hindi. Ikaw lang, at ako, at si Juday. Walang Angelu.”

Pero sa isang panayam, sinabi ni Claudine na nagsisisi siya kung bakit nabanggit niya na ayaw niyang makasama si Angelu sa isang pelikula.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelu De Leon Rivera (@angeludeleonrivera)


Sey ni Claudine sa panayam ni Ogie Diaz, “Alam mo, nagsisisi ako sa ginawa ko. At tina-try ko talaga na i-contact (si Angelu).”

Nagpakatotoo lang daw siya nang sinabi niyang ayaw niyang maka-work uli si Angelu dahil ilang beses na rin daw niya itong pinakiusapan, “please stop talking about my life especially when you’re not asked.”

Sumama raw talaga ang loob niya kay Angelu pero naniniwala siya na magkakaayos din sila, “Alam kong in the days to come, alam kong tatawagan ko din siya.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Mali ko ‘yun pero in truth talaga, I don’t think talaga tama na magkasama kami. ‘Yun ang feeling ko ngayon, ha? Iba kasi pag nakausap ko na. ’Yung galit, wala akong galit. Ayoko lang,” sabi pa ni Claudine.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending