Angelu de Leon umaming inaatake pa rin ng Bell’s palsy: But it doesn’t bother me anymore
KINUMPIRMA ng actress-politician na si Angelu de Leon na hindi pa rin totally nawawala ang health condition niya, ang tinatawag na Bell’s palsy.
Kuwento ng Kapuso star, may mga pagkakataong umaatake pa rin ang kanyang Bell’s palsy pero mas okay na raw ang kalagayan niya ngayon kaya walang dapat ipag-alala ang kanyang mga kapamilya, kaibigan at mga supporters.
Sa episode ng GMA News and Public Affairs’ online podcast na “Surprise Guest with Pia Arcangel”, nagbahagi si Angelu ng ilang detalye about her health condition.
“Minsan, kapag sobrang pagod lumalabas pa rin siya. Pero you know, I mean it doesn’t bother me anymore. I think that’s one thing – acceptance is key nga ‘di ba?” pahayag ni Angelu.
View this post on Instagram
Sey pa ng aktres, marami siyang natutunan at realizations sa buhay mula nang makipaglaban siya sa Bell’s palsy isa na rito ang mas lalo pang pagkapit niya sa Diyos.
“May mga ganu’n talagang parte sa buhay natin that kahit na anong minsan idasal mo na bumalik sa normal, or ‘wag sana, or gumaling, pero hindi talaga.
“I think it grounds you also, and you get the fear na you are living in God’s ways.
“Ako, I feel talaga na it’s really a grace from God, so I think it’s also an inspiration to the people who have disabilities,” sabi pa niya.
Sa pagkakatanda ni Angelu, dalawang beses na siyang inatake ng kanyang Bell’s palsy — una noong 2009 at sumunod noong 2016.
Kasalukuyang naninilbihan ang aktres bilang councilor sa Pasig City, kung saan kasabay niyang naglilingkod sa mga Pasigueño si Mayor Vico Sotto.
https://bandera.inquirer.net/286668/gretchen-wala-nang-paki-sa-bashers-im-51-that-doesnt-bother-me-anymore
https://bandera.inquirer.net/288840/anak-ni-candy-nagsimula-nang-maging-altar-server-so-proud-dreams-to-come-true
https://bandera.inquirer.net/282193/paolo-may-anak-na-kay-lara-nakatakdang-kasal-napurnada-dahil-sa-pandemya
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.