GMA Christmas Station ID nakaka-LSS; Angelu pinatay na sa Pulang Araw
TAOS-PUSO ang pasasalamat ng GMA sa mga sumuporta sa kanilang 2024 Christmas Station ID na may titulong “Ganito ang Paskong Pinoy: Puno ng Pasasalamat.”
Kasabay niyan, hinihikayat ng network ang fans na makibahagi sa “Give a Gift: Alay sa Batang Pinoy” project ng GMA Kapuso Foundation.
Sa project na ito, makatatanggap ng Noche Buena food packs ang mga bata at kanilang pamilya, na maaaring magbigay saya sa kanila ngayong darating na Pasko.
Sa mga gustong mag-donate, bisitahin lamang ang website na www.gmanetwork.com/donate.
Samantala, nagsama-sama nga sa nakaka-LSS na Christmas Station ID ang mga naglalakihang artista ng GMA kabilang diyan ang mga bida ng Kapuso shows na sinusubaybayan tuwing hapon at gabi.
Baka Bet Mo: Jennylyn, Carla waley sa 2024 GMA Station ID, lilipat na sa ABS-CBN?
Sabay na umindak sa “Ganito ang Paskong Pinoy: Puno ng Pasasalamat” ang mga lead actress ng “Widows’ War” na sina Bea Alonzo at Carla Abellana.
Timeout din muna sa giyera ang cast ng “Pulang Araw” dahil damang-dama na ang Christmas spirit sa mga ngiti nina Sanya Lopez, David Licauco, Ashley Ortega, Rochelle Pangilinan, at Alden Richards. Pahinga rin muna sa pagiging Col. Yuta Saitoh si Dennis Trillo na nakisaya sa CSID kasama ang misis na si Jennylyn Mercado.
Kitang-kita rin ang closeness in real life ng mga cast ng high-rating series na “Asawa Ng Asawa Ko” at “Lilet Matias: Attorney-At-Law.” Very glowing naman ang mga bida ng “Shining Inheritance” na sina Kyline Alcantara at Kate Valdez.
Samantala, may pasilip din sa CSID ang mga bida ng ilang upcoming shows sa GMA Afternoon Prime at GMA Prime. Nariyan ang “Team Jolly” na sina Allen Ansay at Sofia Pablo ng “Prinsesa ng City Jail” at sina Miguel Tanfelix, Raheel Bhyria, Bruce Roeland, Kokoy de Santos, Antonio Vinzon, at Zephanie ng “Mga Batang Riles.”
Dagdag naman sa magical feeling ng Pasko ang mga Sang’gre na sina Bianca Umali, Angel Guardian, Kelvin Miranda, at Faith Da Silva.
Abangan ang lahat ng mga programang ‘yan sa GMA 7 at huwag ding kalimutang maki-sing along sa “Ganito ang Paskong Pinoy: Puno ng Pasasalamat,” na mapapanood sa lahat ng official social media accounts ng Kapuso Network.
* * *
Marami ang napahanga sa naging pagganap ni Angelu De Leon bilang si Carmela Borromeo sa “Pulang Araw”, na siyang nanay ni Teresita (Sanya Lopez) at nagpahirap sa magkapatid na Adelina (Barbie Forteza) at Eduardo (Alden Richards).
At kamakailan nga ay pumanaw na ang karakter niya sa nasabing Kapuso show.
Puno naman ng pasasalamat si Angelu na mapabilang sa “Pulang Araw.”
“Carmela Borromeo signing off. Taos pusong pasasalamat at paghanga sa lahat lahat ng bumubuo ng Pulang Araw. Maraming salamat at pinagkatiwala ninyo po sa akin ang karakter ni Carmela Borromeo,” ang post ni Angelu sa kanyang Facebook account.
View this post on Instagram
Nagpasalamat din siya sa lahat ng mga bumubuo sa programa at buong produksyon, “Isang karangalan ang mapabilang sa Pulang Araw hindi lamang bilang isang artista kung hindi bilang isang Filipino. Nawa’y mahalin natin ang ating bansang Pilipinas.”
Patuloy na abangan ang mga maiinit na eksena sa “Pulang Araw.” Mapapanood ito gabi-gabi tuwing 8 p.m. sa GMA Prime.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.