Alden maraming hugot sa new normal shooting ng GMA Christmas Station ID | Bandera

Alden maraming hugot sa new normal shooting ng GMA Christmas Station ID

Ervin Santiago - November 19, 2020 - 09:18 AM

IBANG-IBA ang ipinatupad na sistema ng GMA 7 sa pagsu-shoot ng kanilang Christmas Station ID ngayong taon na pinamagatang “Isang Puso Ngayong Pasko.”

Nagkuwento ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa naging experience niya habang kinukunan ang mga eksena niya sa 2020 Kapuso Christmas Station ID.

Ayon sa Pambansang Bae, nanibago talaga siya sa napakalaking pagbabago ng pag-shoot ng CSID kung ikukumpara sa mga nakaraang taon. Ito’y dahil na rin siyempre sa ipinatutupad na safety and health protocols ng management.

Unang-una raw na na-miss ni Alden ay ang masayang pagsasama-sama ng mga Kapuso stars at ang masayang kuwentuhan in between takes.

“Kapag station ID kasi, usually scheduled ‘yan. May isang malaking kwarto tapos nandu’n ‘yung makeup artists, styling team, and lahat ng mga artista and personalities involved.

“Pero ngayon, wala as in. May call-time ka, you go in, magsu-shoot ka, and then you go home. Kumbaga less contact talaga,” paliwanag ni Alden sa panayam ng GMA.

At siyempre, wala na rin ang close contact sa mga kaibigan at katrabaho habang nagsu-shoot lalo na ang beso-beso at pagyakap bilang bahagi rin ng mga protocol.

“Ako, personally, hindi sanay kasi I’ve been comfortable with a lot of people that I work with.

“So, ngayon nabawasan ‘yon kasi mayakap akong tao. Pero ‘yun ‘yung mga ipinagbawal so it’s kind of off for me.

“Pero with the risk of getting the virus, ayaw rin natin mapalala ‘yung situation so we have to abide by the rules,” chika pa ng Kapuso Drama Prince.

Nagpapasalamat naman ang award-winning actor sa GMA dahil napasama siya uli sa yearly Christmas tradition ng GMA, ito ngang paggawa ng CSID.

“Happy naman ako, I mean, regardless of the circumstance that we are in now, Christmas must be celebrated.

“Hindi siya pwedeng i-take for granted because it’s the birth of our Saviour, it is the birth of Jesus Christ who saved humanity through his eternal sacrifice.

“So parang itong nangyayari sa atin ngayon walang-wala sa pinagdaanan ng Panginoon natin noon.

“Kailangan siyang i-celebrate and it must be celebrated. We should never take Christmas for granted,” lahad pa ng binata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

In fairness, nakaka-touch at makabagbag-damdamin ang tema at kuwento ng 2020 GMA CSID lalo na yung mga eksena kung saan ipinakita ang mga hamon ng buhay na hinarap ng sambayanang Filipino at ang patuloy na paglaban at pagbangon ng mga Pinoy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending