Bobby Andrews umaming kinausap ng nanay ni Angelu de Leon para huwag ituloy ang balak na panliligaw | Bandera

Bobby Andrews umaming kinausap ng nanay ni Angelu de Leon para huwag ituloy ang balak na panliligaw

Ervin Santiago |August 30,2023
facebook
share this

Bobby Andrews umaming kinausap ng nanay ni Angelu de Leon para huwag ituloy ang balak na panliligaw

Ervin Santiago - August 30, 2023 - 07:05 AM

Bobby Andrews umaming kinausap ng nanay ni Angelu de Leon para huwag ituloy ang balak na panliligaw

Angelu de Leon at Bobby Andrews

MAY bonggang-bonggang rebelasyon ang dating Kapuso matinee idol na si Bobby Andrews patungkol sa kanila ng dating ka-loveteam na si Angelu de Leon.

For the first time, inamin ng aktor on national TV kung bakit hindi niya itinuloy ang balak na panliligaw kay Angelu noong kasagsagan ng kasikatan ng kanilang tambalan.

Ayon kay Bobby, kinausap daw kasi siya ng nanay ni Angelu na si Mommy Flora upang pakiusapan na huwag munang ligawan ang dalaga na sinunod naman niya.

Ni-reveal ni Bobby ang tungkol dito nang sumalang siya sa “Trip to the Hot Seat” segment ng “Sarap, ‘Di Ba?” kung saan nakasama rin niya bilang special guest si Angelu.

Ang tanong ng host na si Carmina Villarroel kay Bobby, “Totoo bang tinangka mong ligawan noon si Angelu, pero kinausap ka ng mommy niya kaya hindi mo itinuloy?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Robert Andrews (@iambobbyandrews)


Diretsahang sagot ni Bobby, “Totoo. It was true. I talked to her mom. Kaming dalawa lang, actually sa car niya ‘yun e.”

Baka Bet Mo: Zeinab Harake feeling lucky kay Bobby Ray Parks: ‘Malay ko bang seryoso ‘tong kumag na ‘to…hindi lang ako love niya, pati kids’

Ang sabi raw kay Bobby ni Mommy Flora, gusto muna niyang mag-concentrate ang kanyang anak sa showbiz career nito na noon pa lamang pumapalo dahil na rin sa kasikatan ng loveteam nila.

“It was her mom who told me nga na ‘Bobby, bata pa ‘yung anak ko. She has a career so I wanted her to concentrate muna,'” pahayag ng aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelu De Leon Rivera (@angeludeleonrivera)


Sinunod naman niya ang pakiusap ng nanay ng aktres, “Bilang isang ano, magbibigay respeto na rin sa mommy niya, that’s why hindi ko itinuloy.”

Shookt naman si Angelu sa mga naging pahayag ni Bobby dahil first time niya raw na narinig ang tungkol dito. Hindi raw siya aware na may naganap na usapan sa pagitan ni Bobby at ng nanay niya.

Kaya ang sundot na tanong ni Carmina, bakit hindi raw ito sinabi ni Bobby kay Angelu, “No need. I didn’t want to cause baka magka-friction sila ng mom.”

Kung matatandaan, bumida sina Angelu at Bobby sa youth-oriented program ng GMA 7 noong ’90s na “T.G.I.S.” kung saan sumikat nga sila bilang sina Peachy at Wacks.

Gladys super excited na sa dream project kasama sina Juday, Claudine, Jolina at Angelu: ‘I’m willing to co-produce it if ever’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Angelu de Leon umaming inaatake pa rin ng Bell’s palsy: But it doesn’t bother me anymore

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending