Zeinab Harake feeling lucky kay Bobby Ray Parks: 'Malay ko bang seryoso 'tong kumag na 'to...hindi lang ako love niya, pati kids' | Bandera

Zeinab Harake feeling lucky kay Bobby Ray Parks: ‘Malay ko bang seryoso ‘tong kumag na ‘to…hindi lang ako love niya, pati kids’

Ervin Santiago - August 27, 2023 - 08:17 AM

Zeina Harake feeling lucky kay Bobby Ray Parks: 'Malay ko bang seryoso tong kumag na 'to...hindi lang ako love niya, pati kids'

Zeinab Harake, Bobby Ray Parks, Jr., Lucas at Bia

IN FAIRNESS, mas dumami pa ang nagwi-wish at nagdarasal na sana nga’y pang-forever na ang relasyon ng content creator na si Zeinab Harake sa Filipino-American basketball player na si Bobby Ray Parks, Jr..

Feeling kasi ng mga netizens, seryosong-seryoso na si Bobby sa kanyang relasyon sa sikat na vlogger base na rin sa ibinibigay nitong pagmamahal at ginagawang pag-aalaga kay Zeinab.

At mas napatunayan nga ng supporters at followers ni Zeinab na mahal na mahal nga ito ni Bobby dahil love na love rin ng cager ang mga anak nitong sina Lucas at Bia.

Sa isang Facebook post, nagbahagi si Zeinab ng mga litrato nila ni Bobby kasama ang dalawang anak at paalala niya sa mga netizens bago mag-comment, “Read every caption.”

Makikita sa unang picture na magkasama sila ng dyowang basketball player na may nakasulat na, “Before: Mga panahong crush na crush nya ko tapos dedma ang atake ng ina nyo malay ko bang seryoso tong kumag na ‘to.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa mga sumunod na photos ay kasama na nila sina Lucas at Bia na kuha raw sa favorite spot ni Zeinab. Ang nakalagay sa caption ay, “‘Yayyyyy! hindi lang ako love niya, pati kids.”

Mismong si Bobby na ang nagsabi na napamahal na talaga sa kanya ang mga anak ng kanyang partner at parang tunay na anak na rin ang turing niya sa mga ito.

Nu’ng mag-celebrate nga ng kanyang 6th birthday si Lucas ay nag-post pa ng madamdaming message si Bobby sa Instagram kalakip ang photo nila ng bagets.

Baka Bet Mo: Bobby Ray Parks mahal na mahal ang mga anak ni Zeinab Harake, tinawag na ‘my son’ si Lucas

Aniya sa caption, “Happy birthday to my young king @lucas.harake. You are such a blessing, and I’m truly proud of you. I’m excited to see and be a part of your bright future. Love, Daddy Ray.”

Narito naman ang ilang comments ng netizens sa FB status ni Zeinab.

“Wag ka na po babalik dun sa lagi naka pajama ha. deserve mo yan mhiee. happy for you.”

“So happy for you mi! Panaginip kita kagabi akala ko totoong nakasama kita Hahahaha.”

“True swerte talaga pag mahal kana mahal pa pati kids mo kahit di nya tunay na anak.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @zeinab_harake


“Deserve mo talaga mging masaya kasama ng mga  mahal mo ms. Zeinab… God bless sa inyo lahat…. Simula nung start ka mg vlog until now plagi prin aq nanood sau… Sa Saya at hirap na nranasan mo andto kmi mga zebbies mo su2porta sau.”

“Nasa 30’s ang true love same tayo zeinab ka edad kita at ka edad din ng josawa ko ung patner mo single mom din before hndi na ngaun.”

“Sana gang dulo na dahil unti unti napapamahal na Sayo Yung mga Bata wag mo sanang sisirain yun kawawa naman ang mga bata.”

“Ang sarap lng Ng Hindi lng Ikaw Ang mhal pati mga anak mo. Pag may inalis syo c Lord sobra Kang masasaktan pero may ipapalit pla syo n mas magiging masaya at maligaya ka at tunay Kang mmhalin.”

Zeinab kay Bobby Ray: ‘Salamat sa Diyos binigyan Niya ako ng partner na hindi papasakitin ang ulo ko’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Zeinab Harake wala nang kawala kay Bobby Ray Parks, nagbakasyon sa Palawan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending