Zeinab kay Bobby Ray: 'Salamat sa Diyos binigyan Niya ako ng partner na hindi papasakitin ang ulo ko' | Bandera

Zeinab kay Bobby Ray: ‘Salamat sa Diyos binigyan Niya ako ng partner na hindi papasakitin ang ulo ko’

Ervin Santiago |June 19,2023
facebook
share this

Zeinab kay Bobby Ray: ‘Salamat sa Diyos binigyan Niya ako ng partner na hindi papasakitin ang ulo ko’

Ervin Santiago - June 19, 2023 - 02:49 PM

HINDI man diretsahang inamin ng vlogger at social media influencer na si Zeinab Harake, mukhang totohanan na nga ang relasyon nila ng basketball player na si Bobby Ray Parks, Jr.

Parang kinumpirma na rin ni Zeinab ang tunay na estado ng relasyon nila ng Fil-Am cager sa kanyang Father’s Day greeting kahapon kasabay ng pagtawag niya rito bilang “partner.”

Sa kanyang Instagram Story, ipinost ni Zeinab ang litrato nila ni Bobby Ray na may text caption na, “Happy father’s day din sa partner kong nagpapakatatay para sa akin thank you @ray1parks.”

Sa ibaba naman ng photo ay mababasa ang, “Sa mundong meron ako sa dami ng dinadala ko hindi puwedeng hindi ako baby minsan.

“At salamat sa Diyos dahil binigyan Niya ako ng partner na hindi na papasakitin yung ulo ko sa mga walang kuwentang bagay at magpapaunawa sa akin ng mga dapat kong gawin.

Baka Bet Mo: Xian Gaza kinumpirmang nililigawan ni Bobby Ray Parks Jr. si Zeinab Harake, nilinaw na hindi kabit ang bff

“Best father ka sa dog mo kay (RJ) at sa akin alam ko soon sa future kids mo kasi mabuti kang lalaki at may paninindigan ka sa buhay,” ang pagbati pa ng socmed influencer kay Bobby Ray.

May reply naman agad dito ang basketball player. Ni-repost ni Bobby Ray ang post ni Zeinab, “Grabe Bel, sobrang na-touch ako at kinilig ng slight. I love you.”

Matagal nang usap-usapan sa social media ang relasyon nina Zeinab at Bobby Ray base na rin sa kanilang mga Instagram post kabilang na ang bonding moments nila na kuna sa isang beach.

Wala pang diretsahang pag-amin ang dalawa kung totoong magdyowa na sila pero very obvious naman sa kanilang mga photos at videos na may namamagitan na sa kanilang dalawa.

Last June 17, nag-post sa Instagram si Bobby Ray ng kanyang litrato at makikita sa comments section ang komento ni Zeinab na, “Mine po!” na ikinakilig ng mga netizens.

Related Chika:

Zeinab Harake may bago na nga bang natagpuang pag-ibig?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Quinn Carillo inaming hango sa tunay na buhay ang sexy-thriller film na ‘Tahan’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending