Xian Gaza kinumpirmang nililigawan ni Bobby Ray Parks Jr. si Zeinab Harake, nilinaw na hindi kabit ang bff
IPINAGTANGGOL ng self-proclaimed Pambansang Marites na Lalaki na si Xian Gaza ang kaibigang si Zeinab Harake ukol sa mga maling chikang kumakalat ukol sa huli.
Sa kanyang Facebook account ay ibinahagi niyang may namamagitan nga sa social media personality at sa dating PBA player.
Bukod pa rito, pinabulaanan ni Xian ang mga kumakalat na tsismis na “kabit” raw si Zeinab.
Nagsimula kasi ang isyung “kabit” nang mag-post ang kapwa vlogger na si Papi Galang sa kanyang Facebook page ukol sa taong galit noon sa kabit pero eventually ay naging kabit rin pala.
Bagama’t walang pangalang binanggit ay marami sa mga netizens ang nag-ugnay sa pangalan ng kaibigan ni Xian dahil nga sa lumabas na chikang may something kay Zeinab at Ray.
“GUSTO KO LANG PO LINAWIN SA BUONG SAMBAYANANG MARITES NA ANG BESTFRIEND KO NA SI Zeinab Harake AY HINDI ISANG KABIT,” sey ni Xian.
Sunod na pasabog nito, “NANLILIGAW PO SA KANYA ANG PROFESSIONAL BASKETBALL PLAYER NA SI BOBBY RAY PARKS JR. NA SINGLE AT WALANG ASAWA.”
Baka Bet Mo: Zeinab Harake proud sa panganay na si Lucas, graduate bilang valedictorian
Chika pa niya, nagkita raw sila nina Zeinab at Ray sa Japan last month lang.
“HINDI PO AKO NAG-UPLOAD NG KAHIT ANONG LARAWAN DAHIL GUSTO LANG PO SANA NAMIN MAGPAKA-LOWKEY PERO PATULOY NIYO PA RING GINUGULO AT SINISIRAAN YUNG NANANAHIMIK KONG KAIBIGAN,” chika pa ni Xian.
Pakiusap nito, sana raw ay respetuhin ng madlang pipol ang private life ng basketbolista lalo na’t hindi ito sanay sa gulo sa social media.
“NAWA’Y RESPETUHUN PO NATIN ANG KANILANG PRIVATE LIFE, KAHIT HUWAG NA SI ZEINAB, KAHIT SI GINOONG PARKS NA LANG NA WALANG ALAM SA MAINGAY NA MUNDO NG SOCIAL MEDIA. MARAMING SALAMAT PO,” sey ni Xian.
Makikita naman sa comment section na nag-react ang mga kaibigan nito na parte rin ng Team Zebby.
“Ok lang naman magpaligaw o kumilala ng iba lalo nat single naman sila pareho. Tama, Christian Albert Gaza?” comment ni Melissa Enriquez sa post ni Xian.
Sey naman ni Lantis Espiritu, “Some people really have to start minding their own business. just because some people don’t want to share their private life with others does not mean they are less happy.”
Ni-reshare naman ni Zeinab ang isa sa mga photo sa ipinost ni Xian kung saan makikita silang magkasama.
“Ito na lang share ko i miss you Christian Albert Gaza.”
Related Chika:
Zeinab Harake isinubsob ang boobs sa buhanginan, na-touch sa regalo ni Xian Gaza: ‘Sobrang swerte ko meron akong katulad mo!’
Bwelta ni Zeinab Harake sa basher na pumuna sa kanyang boobs: ‘Silicon lang sis, na-push sa sikip!’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.