Bobby Ray ‘to the rescue’ kay Zeinab laban sa cheating issue

Bobby Ray Parks ‘to the rescue’ kay Zeinab Harake laban sa cheating issue: Never naging kabit ‘yung taong mahal ko!

Pauline del Rosario |June 05,2023
facebook
share this

Bobby Ray Parks ‘to the rescue’ kay Zeinab Harake laban sa cheating issue: Never naging kabit ‘yung taong mahal ko!

Pauline del Rosario - June 05, 2023 - 04:00 PM

Bobby Ray Parks ‘to the rescue’ kay Zeinab Harake laban sa cheating issue: Never naging kabit ‘yung taong mahal ko!

Bobby Ray Parks Jr, Zeinab Harake

DINEPENSAHAN ng basketball player na si Bobby Ray Parks ang kanyang nililigawan na internet star na si Zeinab Harake.

Ito ay dahil nasasangkot sa “cheating issue” umano si Zeinab kamakailan lang.

Kung tutok kayo sa social media, marahil nabalitaan niyo na ang post ng isang netizens na nagngangalang Erst Kimberly na kung saan ay naglabas siya ng hinanakit patungkol sa relasyon nina Bobby at Zeinab.

Nagpakilala si Erst bilang naging ka-”something” ng basketball player.

Kasabay niyan ay inihayag niya sa Facebook na siya raw ay nasasaktan dahil kalat na sa social media ang pagliligawan ng dalawa.

“Sabi mo walang anything sa inyo at out kana pero in na in ka pala at tinuloy mo parin kahit nalaman mo magka-sabay tayo niloko ni Ray?” saad ni Erst kay Zeinab sa kanyang post.

Dagdag pa niya, “Di ako bitter para ui-post ‘to, ‘di rin fame ang hanap ko wala ko pake ‘dun, I want justice lang. Aapakan nyo ang tao dahil sa sarili nyong kaligayahan, ang fake ng faith niyo and loyalty.”

Baka Bet Mo: Zeinab Harake, Bobby Ray Parks magdyowa na nga ba, may palitan ng sweet messages sa isa’t isa?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Nag-reply naman mismo sa nasabing FB post si Bobby at nilinaw na hindi niya naging ka-relasyon ang nagrereklamong si Erst.

Bilang patunay, naglabas pa ang basketball player ng screenshot na ipinapakita ang pag-uusap ng dalaga at ng socmed influencer.

“HINDI TAYO. Less than two months lang tayo ng usap,” giit ni Bobby.

Paglilinaw pa niya, “NEVER NAGING KABIT yung taong mahal ko (Zeinab)… To be clear, malabo na tayo bago pa ako umuwi ng Pinas at bago ko pa siya nakilala.”

“Hindi din naman kita naging girlfriend so ano panloloko ‘don?” mensahe pa ni Bobby sa kanyang komento.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Wala pa ring kumpirmasyon kung mag-dyowa na nga ba sina Bobby at Zeinab, ngunit madalas i-flex ng dalawa ang kanilang sweet moments sa social media.

Matatandaang unang napabalita na may something ang dalawa matapos i-post ng netizen na spotted magkasama sa Japan.

Hanggang sa mismong si Xian Gaza na rin ang nagbandera ng kwento ng dalawa upang depensahan ang kaibigan sa mga tumatawag ditong “kabit.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:

Quinn Carillo inaming hango sa tunay na buhay ang sexy-thriller film na ‘Tahan’

Jodi sa mga kabit: You are worthy enough na hindi itago, na dapat ipangalandakan sa buong mundo at pakasalan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending