Jodi sa mga kabit: You are worthy enough na hindi itago, na dapat ipangalandakan sa buong mundo at pakasalan | Bandera

Jodi sa mga kabit: You are worthy enough na hindi itago, na dapat ipangalandakan sa buong mundo at pakasalan

Ervin Santiago |January 17,2022
facebook
share this

Jodi sa mga kabit: You are worthy enough na hindi itago, na dapat ipangalandakan sa buong mundo at pakasalan

Ervin Santiago - January 17, 2022 - 07:26 AM

Jodi Sta. Maria, Zanjoe Marudo at Sue Ramirez

KUNG kayo ang tatanungin dear BANDERA readers, ano ang ipapayo n’yo sa lahat ng kabit na patuloy na ipinaglalaban ang kanilang pagmamahal kahit alam nilang naninira na sila ng pamilya?

Katulad rin kaya kayo ng gagawin o sasabihin ng Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria sa mga na-in love sa taong may sabit na o pamilyado na.

Si Jodi ang gaganap na Dr. Jill Ilustre sa upcoming Kapamilya series na “The Broken Marriage Vow,” ang gaganap na legal wife ni Zanjoe Marudo bilang si David Ilustre na magloloko at makikipagrelasyon kay Sue Ramirez na gaganap namang si Lexy Lucero.

Sa isang panayam, sinagot ni Jodi kung ano ang maibibigay niyang mensahe sa mga kabit o mistress na patuloy na namumuhay bilang kept woman.

“I do hope that you’ll see your worth. That you are worthy enough na hindi itago, na hindi gawing kept woman. Pero ipangalandakan sa buong mundo at pakasalan,” pahayag ni Jodi.

Pinayuhan din ng aktres ang mga kababaihan na mag-isip-isip na kung nalaman nilang niloloko na sila ng kanilang mga partners.

“If alam mo na talagang nagkamali, pwede mong patawarin. Pero kung nakikita mo na hindi magbabago ang taong ito, toxic behavior na siya, pattern na, then I think you have to reassess your choices,” sabi pa ni Jodi.

Dagdag pang pahayag ni Jodi para sa mga asawang niloko o iniwan ng kanilang partner dahil sa ibang babae o lalaki, “Sasabihin ko sa kanya na there’s hope for you. 

“Just because nag-end ‘yung marriage mo, it doesn’t mean that your life will have to end too. I hope that you heal from whatever brokenness that the situation has brought you and your family,” sabi pa ng award-winning actress.

Mapapanood na ang “The Broken Marriage Vow” sa Kapamilya Primetime Bida lineup simula sa Jan. 24 at 8:40 p.m. sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Jodi Sta.Maria (@jodistamaria)

Jodi inatake ng ‘psychological sepanx’ after ng lock-in taping sa Baguio: ‘Nasa real world na ba ako?’

Jodi mas pipiliin ang magpatawad kesa maghiganti kapag niloko ng asawa: It’s for your own peace…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending