Diego sa relasyong Sue Ramirez-Dominic Roque: I'm very inggit!

Diego Loyzaga sa relasyong Sue Ramirez at Dominic Roque: I’m very inggit!

Ervin Santiago - April 28, 2025 - 12:40 AM

Diego Loyzaga sa relasyong Sue Ramirez at Dominic Roque: I'm very inggit!

Diego Loyzaga, Hailey at Sue Ramirez

ENJOY na enjoy ang aktor na si Diego Loyzaga sa pagiging hands-on tatay sa kanyang anak na si Hailey na two years old na ngayon.

Naka-focus ngayon si Diego sa pagtatrabaho at sa pag-aalaga sa anak nila ng kanyang non-showbiz partner na si Alexis Suapengco.

In fairness, game na game ang celebrity dad sa pagsagot sa mga tanong nang humarap sa members ng press para sa mediacon ng bago niyang pelikula, ang “In Between” opposite Sue Ramirez.

Isa sa nga natanong sa kanya ang tungkol sa kanyang relationship status ngayon, at dito nga niya nabanggit na wala siyang karelasyon at single na single siya today.

“No, my life is so boring! ‘Di ba nakakapanibago guys? Wala kayong ina-ano sa ‘kin (tinatanong tungkol sa lovelife),” natatawang chika ng aktor.

Matapos ngang magkuwento ang leading lady niya sa pelikulang “In Between” na si Sue tungkol sa relasyon nito kay Dominic Roque, napapailing at napapangiti lang ang aktor.

Hirit ni Diego, “I’m happy for Sue but I’m also very inggit. Ha-hahahaha!”

Samantala, balik-tambalan nga sina Sue  at Diego sa pelikulang “In Between” under Viva Films, mula sa direksyon ni Gino Santos

Taong 2022 nang magsama ang dalawa sa pelikulang “How to Love Mr. Heartless” kung saan mga estudyante ang kanilang papel. Ngayon, mas mature na nang konti ang kanilang mga karakter, pero marami pa ring dapat matutunan sa buhay at pag-ibig.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Si Gaila (Sue) ay nasa late 20s, freelance musician, make-up artist at graphic artist. Carefree at adventurous, bisyo niya ang uminom ng beer. Hindi buo ang tiwala niya sa pag-ibig.

Si Shane (Diego) naman ay nasa early 30s, nagtatrabaho sa real estate business ng kanilang pamilya, pero interesado sa bartending.

Sobra siyang nasaktan sa pag-ibig pero gusto pa rin niyang mahanap ang ideal girl. Ikinukumpara niya ang mga babaeng nakikilala sa iba’t ibang klase ng alak.

Nang una niyang makilala si Gaila, beer ang pumasok sa isip niya – ang inuming hindi niya kailanman nagustuhan.

Sa sumunod na pagkikita, marami silang bagay na napag-usapan. Mula noon nagsilbing “in between” nila ang isa’t isa.

Ibig sabihin, nandiyan sila para sa isa’t isa sa anumang pinagdaraanan nila sa buhay hanggang makilala nila ang “The One.”

Dahil kay Gaila, matututunan ni Shane na ‘wag masyadong perfectionist at mag-enjoy sa casual dating. Matutunan naman ni Gaila na magseryoso sa trabaho dahil kay Shane.

Hindi mapipigilang ma-in love ng dalawa. Pero kung kailan akala nilang nakita na nila ang “The One” sa isa’t isa, bigla namang babalik ang babaeng tinuturing ni Shane na kanyang TOTGA (The One That Got Away).

Sa bagong hamon ng kanilang relasyon, sadya bang hanggang “In Between” lang silang dalawa?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Showing na sa mga sinehan ang “In Between” simula sa May 7.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending