Zeinab Harake ipinasilip kung gaano ka-close ang mga anak sa dyowang si Bobby Ray Parks: Family na talaga 'no? | Bandera

Zeinab Harake ipinasilip kung gaano ka-close ang mga anak sa dyowang si Bobby Ray Parks: Family na talaga ‘no?

Therese Arceo |August 02,2023
facebook
share this

Zeinab Harake ipinasilip kung gaano ka-close ang mga anak sa dyowang si Bobby Ray Parks: Family na talaga ‘no?

Therese Arceo - August 02, 2023 - 07:00 PM

Zeinab Harake ipinasilip kung gaano ka-close ang mga anak sa dyowang si Bobby Ray Parks: Family na talaga 'no?
TALAGA nga namang tanggap na tanggap na ng mga anak ni Zeinab Harake na sina Lucas at Bia ang kanyang current dyowa na si Bobby Ray Parks.

Sa kanyang latest vlog kasi kung saan ipinakita nila ang pag-a-unbox ni Lucas ng kanyang mga natanggap na birthday gifts ay makikitang close na close na ito sa kanyang Daddy Ray.

Habang nagbubukas nga ay natanong ni Zeinab kung sino ang mas love ni Lucas, kung siya o si Yeyel, ang katuwang ng social media influencer sa pag-aalaga kay Lucas.

Sagot ng bata, “Si Mommy”.

Puro si Zeinab nga ang sagot ni Lucas ngunit nang tanungin siya kung sino ang mas favorite niya sa pagitan ng kanyang Tito Sam at Daddy Ray ay pinili niya ang huli.

At nang papiliin siya kung si Mommy o Daddy Ray ay pareho niya itong pinili.

Makikita namang masayang masaya sina Zeinab at Ray sa naging sagot ni Lucas.

Kahit na si Lucas ang may kaarawan ay may regalo rin ang bunsong anak nitong si Bia mula sa kanyang kaibigan at nang lumabas sa video si Bia para buksan ang regalo ay puna nitong napansin ang dyowa ng ina.

Baka Bet Mo: Bobby Ray Parks mahal na mahal ang mga anak ni Zeinab Harake, tinawag na ‘my son’ si Lucas

“Hi Daddy Ray,” kumakaway na sabi ni Bia matapos makita ang basketbolistang tahimik na nanonood sa kanilang mag-iina at sinagot ang bata ng “Hi anak.”

Makikitang tumakbo rin si Bia papalapit kay Ray sabay buhat kay Bia at lapit kina Zeinab at Lucas.

Hindi rin nahihiya ang dalawang bata kay Ray at kitang-kita na gustong gusto ng mga ito ang kanyang presensya.

“Family na talaga ‘to. Ano ba?” nakangiting sey ni Zeinab.

Masaya naman ang netizens dahil finally ay nakikita na ng mga ito na happy ang vlogger matapos ang mga pinagdaanan nito sa dating karelasyon at ama ni Bia na si Skusta Clee.

“Teary eyed with kids and Ray moment.. ‘hi! Daddy Ray’, ‘Yes, Anak’.. So genuinez Praying for Zeinab’s happiness with Ray.. Sana tuloy tuloy na,” saad ng isang netizen.

Sey naman ng isa, “Sobrang nakakatuwa naka dalwang nuod ako sa part ng pumasok si Bia at si Daddy Ray nya, kitang kita at ramdam na ramdam sa puso na tanggap na tanggap nya yung dalwang baby mo Ate Zeb, deserve ng dalwang baby na tanggapin at mahalin ng buo at walang doubt dahil sobrang deserve nila yan, wala nang mas hihigit pa sa pagmamahal ng pamilya at magulang!!”

“That ‘Yes, Anak’ response of ray [heart emoji] Sobraaaaaaang pure! Nakakakiliti ng puso para sa isang single mom na may lalaking mahal yung mga anak mo,” dagdag naman ng isa.

Related Chika:
Zeinab Harake wala nang kawala kay Bobby Ray Parks, nagbakasyon sa Palawan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Zeinab Harake, Bobby Ray Parks magdyowa na nga ba, may palitan ng sweet messages sa isa’t isa?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending