Bobby Ray Parks mahal na mahal ang mga anak ni Zeinab Harake, tinawag na 'my son' si Lucas | Bandera

Bobby Ray Parks mahal na mahal ang mga anak ni Zeinab Harake, tinawag na ‘my son’ si Lucas

Therese Arceo |July 18,2023
facebook
share this

Bobby Ray Parks mahal na mahal ang mga anak ni Zeinab Harake, tinawag na ‘my son’ si Lucas

Therese Arceo - July 18, 2023 - 08:03 PM

Bobby Ray Parks mahal na mahal ang mga anak ni Zeinab Harake, tinawag na 'my son' si Lucas

PROUD na ibinandera ni Bobby Ray Parks Jr. ang kanyang pagmamahal hindi lang sa dyowa nitong si Zeinab Harake bagkus pati sa dalawang anak nitong si Lucas st Bia.

Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi ng basketball player ang mga larawan nila ni Lucas, ang panganay na anak ni Zeinab na kasalukuyang nagse-celebrate ng kanyang kaarawan.

“ray1parks Happy birthday to my young king @lucas.harakeYou are such a blessing, and I’m truly proud of you,” pagbati ni Ray.

Mukhang road to forever na nga ang relasyon nito kay Zeinab dahil sinabi nitong handa siyang maging parte ng kinabukasan ni Lucas.

Dagdag pa niya, “I’m excited to see and be a part of your bright future. Love, Daddy Ray.”

Bobby IG

Baka Bet Mo: Zeinab Harake, Bobby Ray Parks magdyowa na nga ba, may palitan ng sweet messages sa isa’t isa?
\

Makikita namang nag-reply si Lucas sa kanyang post.

“Thankyou daddy ray i love you,” sagot ni Lucas.

Reply naman niya, “I love you, my son.”

“I love you both so so much,” komento naman ni Zeinab sa post ni Ray.

Umani naman ng samu’t saring reaksyon mula sa madlang pipol ang ibinahaging larawan ng basketbolista kasama si Lucas.

Sabi ng isang netizen, “Grabeeee! Didn’t expect the plot twist sa buhay mo @zeinab_harake Imagine the love you [receive] from Ray , for sure doble2 pa yan sa maibibigay nyang love sa mga anak mo.”

“Awwww🙌😢. The bday caption nailed it❤️😍. Happy Birhday @lucas.harake,” saad ng isa.

Comment naman ng isa, “Daddy ray understood the assignment. Mommy bel needed a man to step up, ray did that and more!!!!!”

Sey naman ng isa, “Speaking from a Point of View of a child whom was left by her father I am very thankful that you treat Bia and Lucas as your own. Because having a kind stepfather is like having a hope in life.”

Maging ang manager ni Zeinab na si Jhay Isidro ay saludo kay Bobby Ray Parks Jr. sa pagpapakatatay nito sa mga anak ng alaga.

“Bilib ako sa mga lalakeng kayang panagutan pag naka-buntis sila. Pero mas bilib ako sa mga lalakeng kayang akuin at panagutan ang anghel na binuo ng mga lalakeng walang bayag para panagutan at panindigan ang responsibilidad na dapat ay sa kanya naka-atang,” caption nito sa kanyang Facebook post.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na ibinandera ni Ray ang pagmamahal at pag-ako bilang anak sa dalawang chikiting.

Matatandaang nag-viral noon ang mga sinabi niya na “I’m not the step father, I’m the father that stepped up.”

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Zeinab kay Bobby Ray: ‘Salamat sa Diyos binigyan Niya ako ng partner na hindi papasakitin ang ulo ko’

Zeinab Harake wala nang kawala kay Bobby Ray Parks, nagbakasyon sa Palawan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending