Zeinab Harake wala nang kawala kay Bobby Ray Parks, nagbakasyon sa Palawan | Bandera

Zeinab Harake wala nang kawala kay Bobby Ray Parks, nagbakasyon sa Palawan

Therese Arceo |July 05,2023
facebook
share this

Zeinab Harake wala nang kawala kay Bobby Ray Parks, nagbakasyon sa Palawan

Therese Arceo - July 05, 2023 - 09:56 PM

Zeinab Harake wala nang kawala kay Bobby Ray Parks, nagbakasyon sa Palawan
KITANG-KITA naman sa social media personality na si Zeinab Harake na masaya ito sa kanyang kasalukuyang relasyon kasama ang basketbolistang si Bobby Ray Parks Jr.

Base sa kanyang latest vlog ay panandalian muna silang nagbakasyon sa Palawan.

Sa sobrang sweet nga nina Zeinab at Bobby Ray ay pabiro na silang sinita ng mga kasama at kaibigan na bawasbawasan ang pagiging sweet sa isa’t isa.

Talak ni Rana sa kapatid, “Sis, minsan ok rin naman na maging masaya ka pero ‘wag namang sobra sobra kasi ang sakit na sa mata girl!”

Hindi naman nagpatalo si Zeinab at sinagot rin ang nakababatang kapatid.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Baka Bet Mo: Zeinab kay Bobby Ray: ‘Salamat sa Diyos binigyan Niya ako ng partner na hindi papasakitin ang ulo ko’

“Hindi ko maintindihan itong mga kaibigan ko. Dati lagi nila akong inuudyukan. Gumawa pa nga kayo ng [account sa] dating app para sa akin, para lang maghanap ako ng bebe.

“Tapos ngayong may bebe na ako, nanggigigil kayo,” sey ni Zeinab.

Nag-post rin ang social media personality ng kanyang mga bikini photos pati na rin ang ilang groupie nila na kuha mula sa Palawan.

Comment ni Bobby Ray sa post ni Zeinab, “Lock you up and throw away the key.”

Isang black heart emoji naman ang sagot ng ina nina Bia at Lucas.

Marami naman ang talagang happy at kinikilig sa relasyon nina Zeinab at Bobby Ray.

“a beacon of hope for every single mom and everybody who did not deserve d hurt from a toxic relationship. Happy for you,” saad ng isa sa mga fans ni Zebby.

Dagdag pa ng isa. “Finally NASA tamang tao kana Zeinab!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Zeinab Harake, Bobby Ray Parks magdyowa na nga ba, may palitan ng sweet messages sa isa’t isa?

Bobby Ray Parks ‘to the rescue’ kay Zeinab Harake laban sa cheating issue: Never naging kabit ‘yung taong mahal ko!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending