Gladys super excited na sa dream project kasama sina Juday, Claudine, Jolina at Angelu: 'I’m willing to co-produce it if ever' | Bandera

Gladys super excited na sa dream project kasama sina Juday, Claudine, Jolina at Angelu: ‘I’m willing to co-produce it if ever’

Ervin Santiago |April 27,2023
facebook
share this

Gladys super excited na sa dream project kasama sina Juday, Claudine, Jolina at Angelu: ‘I’m willing to co-produce it if ever’

Ervin Santiago - April 27, 2023 - 09:13 AM

Gladys super excited na sa dream project kasama sina Juday, Claudine, Jolina at Angelu: 'I’m willing to co-produce it if ever'

Gladys Reyes, Judy Ann Santos, Angelu de Leon, Claudine Barretto at Jolina Magdangal

SIGURADONG marami ang matutuwa  sakaling matuloy ang dream project ng award-winning actress at magaling na kontrabida na si Gladys Reyes.

Matagal nang pinapangarap ni Gladys na makagawa ng isang pelikula o teleserye kasama sina Judy Ann Santos, Claudine Barretto, Jolina Magdangal at Angelu de Leon.

“Nag-umpisa yan nu’ng premiere ng Apag, may nagtanong sa akin kung ano yung dream project ko. Sabi ko, gusto talaga sana mapagsama-sama yung lahat na inapi ko,” ang pahayag ni Gladys sa panayam ng ating colleague at kaibigan na si Gorgy Rula sa programa niya sa DZRH last Monday, April 24.

“Puwera lang si Jolina kasi hindi ko pa naman naapi siya sa mga teleserye, pero siyempre 90s won’t be complete without Jolina din. Siyempre, Jolina, Angelu, Claudine, and Judy Ann,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gladys Reyes-Sommereux (@iamgladysreyes)


Ayon sa itinanghal na 1st Summer Metro Manila Film Festival Best Actress, mukhang game na game rin ang kanyang mga kaibigan sa nasabing proyekto.

“Sa akin, dream project yun. Although, nabanggit ko yun kay Jolina nu’ng mag-guest ako sa Magandang Buhay. Nabanggit ko na rin kay Juday, and I think sa isang Viber message ko sa kanya or even before.

“Nu’ng nagkasama kami nu’ng huli ni Claudine, yes, parang nabanggit ko rin sa kanya yan, sa isang guesting namin sa isang series. Siyempre, kailangan buuin muna yung material, di ba? Kailangan konkreto yung istorya bago talaga matuloy.

Baka Bet Mo: Gladys matagal nang bilib kay Barbie, wish maging kontrabida ni Vilma: ‘Gustung-gusto kong maramdaman kung paano ko aapihin si Ate Vi’

“Very positive naman sila, even Jolina nu’ng last time nag-guest ako sa Magandang Buhay, niloko ko pa siya na, ‘Uy, ha? Pag may tumawag na sa yo, tanggapin mo,’” chika pa ni Gladys.

“Mukhang positive naman yung ano nila…yung magiging challenge du’n if ever, I think yung schedule. Alam naman natin, iba-iba, saka associated yung iba sa kanila in a particular channel.

“Tingnan natin kung possible project. Pero who knows? Uso naman ngayon ang collab, di ba? Nag-collab na nga yung GMA and ABS, di ba?” sey pa ni Gladys.

“I’m willing to co-produce it if ever. Siyempre, malaking tulong kung meron akong katuwang na magpu-produce nu’n.

“I have something in mind na baka puwede para sa aming lima yung material na yun. Parang something na pagka-‘Desperate Housewives’ nga, di ba, since pareho naman kaming mga nanay na, di ba?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gladys Reyes-Sommereux (@iamgladysreyes)


“Kanya-kanyang kuwento ng pagiging isang ina. Puwede namang ang isa, wala namang asawa. Iyung isa, single mom, mga ganu’n, di ba?” ang super excited pang chika ni Gladys.

Samantala, nakachikahan namin sandali si Gladys kagabi sa burol ng nanay ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz.

Super pasalamat talaga ang aktres sa suportang ibinigay ng showbiz press sa entry nila sa 1st Summer MMFF na “Apag” kung saan nga siya nanalong best actress.

Ibinalita rin sa amin ni Gladys na may gagawin siyang bagong project very soon pero ayaw niya munang magdetalye about this hangga’t hindi pa nagsisimula ang kanilang shooting.

Angelu de Leon umaming inaatake pa rin ng Bell’s palsy: But it doesn’t bother me anymore

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Claudine Barretto ‘greatest love’ si Rico Yan, wish matuloy ang project kasama si Gladys Reyes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending