Gladys matagal nang bilib kay Barbie, wish maging kontrabida ni Vilma: 'Gustung-gusto kong maramdaman kung paano ko aapihin si Ate Vi' | Bandera

Gladys matagal nang bilib kay Barbie, wish maging kontrabida ni Vilma: ‘Gustung-gusto kong maramdaman kung paano ko aapihin si Ate Vi’

Ervin Santiago |April 12,2023
facebook
share this

Gladys matagal nang bilib kay Barbie, wish maging kontrabida ni Vilma: ‘Gustung-gusto kong maramdaman kung paano ko aapihin si Ate Vi’

Ervin Santiago - April 12, 2023 - 06:42 AM

Gladys matagal nang bilib kay Barbie, wish maging kontrabida ni Vilma: 'Gustung-gusto kong maramdaman kung paano ko aapihin si Ate Vi'

Gladys Reyes at Barbie Forteza

BAGO pa man tumanggap ng mga papuri at parangal ang Kapuso Drama Princess na si Barbie Forteza, ay bumilib na talaga sa kanya ang premyadong aktres na si Gladys Reyes.

Noong nagkasama at magkatrabaho raw sila sa GMA series na “Inday Will Always Love You” ay napatunayan na niya ang galing ni Barbie at ang pagiging professional nito sa lahat ng bagay.

Napag-usapan ang pagiging kontrabida ni Gladys sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” last Monday, April 10, kung saan game na game niyang sinagot ang mga maiintrigang tanong sa kanya ni Tito Boy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Nagbahagi ang itinanghal na best actress sa 1st Summer Metro Manila Film Festival para sa “Apag” kung paano nito nagagawa ang matitinding eksena niya sa teleserye at pelikula lalo na kung kailangan na niyang saktan at pagsalitaan ng masasama ang mga co-actors niya.

Sabi ni Gladys, mas gusto niyang hindi dinadaya ang mga eksena lalo na ang sampalan at iba pang uri ng pisikalan. At dito ba nga niya nabanggit si Barbie dahil talagang totohanan ang ginawa nilang mga eksena noon sa “Inday Will Always Love You.”

Baka Bet Mo: Juday, Gladys muling nagkita after 5 years, game na game na nag-TikTok sa birthday party ni Luna

“Sa totoo lang Tito Boy mas maganda na hindi nandadaya. I’ve worked with Barbie Forteza, bilib na bilib ako sa batang ‘yan kasi ‘yung talagang sinasaktan ko siya, totoo.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Nasasaktan talaga ‘yung bata kasi totoong sampal. Doon mo kasi maka-capture ‘yung totoong reaksyon e, kung daya, ‘yung totoong pain ba maka-capture?” pagbabahagi ni Gladys.

Aniya pa, matagal na niyang wish na makaeksena ang Star for All Seasons na si Vilma Santos sa isang acting project, “Gustong-gusto ko talagang maramdaman kung paano ko aapihin si Ate Vi.

“Mahihiya ba ako, mai-intimidate ba ako kay Ate Vi kapag nandoon na? Baka hindi ko magawa ‘yung talagang eksena,” sabi ng aktres na kasali ngayon sa dalawang official entry sa ginaganap na Summer Metro Manila Film Festival 2023.

Nagpapatawa siya ng manonood sa “Here Comes the Groom” at magpapaiyak naman siya sa “Apag.” Showing na ang mga ito ngayon sa mga sinehan nationwide.

Payo ni Gladys Reyes sa mga misis: ‘Hindi manghuhula ang mga lalaki kaya sabihin natin kung ano talaga ang gusto natin’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Claudine Barretto ‘greatest love’ si Rico Yan, wish matuloy ang project kasama si Gladys Reyes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending