Juday, Gladys muling nagkita after 5 years, game na game na nag-TikTok sa birthday party ni Luna
FINALLY, makalipas ang mahigit limang taon ay muling nagkrus ang landas ng mag-BFF na sina Judy Ann Santos at Gladys Reyes.
Ibinandera ng award-winning character actress sa social media ang pagtatagpo nila ni Juday sa birthday celebration ng anak nitong si Luna nitong nagdaang January 6, 2023.
Super happy daw si Gladys nang makita at maka-bonding muli ang co-star niya sa classic hit Kapamilya series na “Mara Clara” na tumagal ng limang taon sa ere na siyang naging daan para maging friends for life sila sa tunay na buhay.
Ang original “Mara Clara” ay napanood sa ABS-CBN (two seasons) mula 1992 hanggang 1997. Nagkaroon pa ito ng movie version dahil sa tinamong tagumpay sa telebisyon.
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Gladys ang first TikTok video nila ni Juday Ann na game na game ngang nagpasampol with Harry Styles viral song “As It Was.”
View this post on Instagram
Sa isa pa niyang post, nabanggit nga ng magaling na kontrabida na huli pa silang nagkita ni Juday noong 2018 nang gawin nila ang Star Cinema comedy film na “Ang Dalawang Mrs. Reyes” kasama si Angelica Panganiban.
“Reunited after 5 years! Just like our serye Mara Clara, 5 long years! The last was [in] 2018 in our renewal of wedding vows and it was just a quick hello.
“Finally today, on Luna’s 7th bday! I really missed u sis @officialjuday! So happy to see u and some of our good friends,” ang isinulat na caption ni Gladys sa kanyang IG post.
Kasunod nito, nag-post din ang kanilang mga fans ng throwback photos at videos mula sa “Mara Clara” at iba pa nilang projects together.
Noong 2010, ginawan ng remake ng ABS-CBN ang nasabing serye na pinagbidahan naman nina Kathryn Bernardo at Julia Montes.
Claudine Barretto ‘greatest love’ si Rico Yan, wish matuloy ang project kasama si Gladys Reyes
#SanaAll: Limang simpleng pag-amin ni Bea at Dominic sa tunay nilang relasyon
Sanya gustong maging superhero; type ring sumabak sa LGBTQ project kasama si Solenn
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.