#SanaAll: Limang simpleng pag-amin ni Bea at Dominic sa tunay nilang relasyon | Bandera

#SanaAll: Limang simpleng pag-amin ni Bea at Dominic sa tunay nilang relasyon

Therese Arceo |August 11,2021
facebook
share this

#SanaAll: Limang simpleng pag-amin ni Bea at Dominic sa tunay nilang relasyon

Therese Arceo - August 11, 2021 - 07:40 AM


TINULDUKAN na ng Kapuso actress na si Bea Alonzo ang usap-usapan tungkol sa real score nila ni Dominic Roque.

Sa kanyang exclusive interview kay Nelson Canlas, kinumpirma na ng aktres na in a relationship na siya kay Dominic.

Matapos ang mahabang palaisipan at mga haka-haka tungkol sa Instagram posts ng dalawa habang nagbabakasyon sa America, wala na ngang makakapigil sa paglantad ng dalawa sa madlang pipol!

Tara at balikan ang limang pagkakataon kung saan tila pasimpleng inamin ng dalawa ang real score na namamagitan sa kanila.

BABY SHOWER NI BETH TAMAYO

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na tila umamin ang dalawa sa estado ng kanilang relasyon.

Matapos kasing kumalat ang litrato ng dalawa na present sa baby shower ng tiyahin ni Dominic na si Beth Tamayo, dito na nagsimula ang mga usap-usapan na magdyowa na ang dalawa. Dito rin nagsimula ang pagpopost ng dalawa na magkasama.


BIRTHDAY CELEBRATION NI DOMINIC ROQUE

Sino ang hindi kinilig sa IG story ni Dominic noong birthday kung saan magkalapit ang mukha nila ni Bea sa video at halos di mapag-hiwalay?

Kasabay rin nito ang pagkalat ng litrato kung saan makikitang masayang magkahawak kamay ang dalawa sa isang restaurant kasama ang isang kaibigan.

HIKING SA YOSIMETE PARK

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

Into the woods nga ang peg ng dalawa gaya ng caption ni Bea sa kaniyang Instagram post.

Relationship goals talaga ang peg ng dalawa sa mga litrato. Aminin, napa-sana all ka rin.

CAMPING WITH FRIENDS HABANG NAKAYAKAP KAY BOYFIE

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dominic Roque (@dominicroque)

Tila may basbas na ng mga kaibigan ni Dominic ang kanilang relasyon ni Bea nang magsama-sama ang mga ito para mag-camping sa Yosimete.

Kumportable at tila walang kyeme ang dalawa sa pagiging sweet na kitang-kita naman sa paraan ng pagyakap ni Bea kay Dom at paghawak nito sa kamay ng dalaga.

Another sana all pinagmamalaki!

COZY PHOTOS HABANG NASA NAPA VALLEY

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dominic Roque (@dominicroque)

Ito na nga ang BIGGEST SANA ALL ng madlang pipol. Walang-wala ang ghost month sa tamis ng dalawa habang magkatabing nakaupo sa Napa Valley.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At sino ang hindi naloka sa caption na “Lover” ni Dominic? Tila ito na nga ang pinaka-clear na kumpirmasyon ng dalawa sa kanilang relasyon bago pa ang interview ni Bea kay Nelson.

At ayon nga sa comment ni Beth, singtamis ng asukal sa Napa ang tinginan ng dalawa sa isa’t isa.

Ngayon nga ay hindi na kailangang manghula ng madlang pipol dahil all out na ang dalawa sa publiko.

Gaya ng sabi ng netizens, sana all may love life! Mabuhay kayo, BeaDom! Deserve n’yo ang happiness na ‘yan!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending