Jolina Magdangal inamin ang naging issue sa kanila nina Rica Peralejo at Roselle Nava: Close talaga kaming tatlo, tapos... | Bandera

Jolina Magdangal inamin ang naging issue sa kanila nina Rica Peralejo at Roselle Nava: Close talaga kaming tatlo, tapos…

Ervin Santiago |November 08,2022
facebook
share this

Jolina Magdangal inamin ang naging issue sa kanila nina Rica Peralejo at Roselle Nava: Close talaga kaming tatlo, tapos…

Ervin Santiago - November 08, 2022 - 07:49 AM

Jolina Magdangal inamin ang naging issue sa kanila nina Rica Peralejo at Roselle Nava: Close talaga kaming tatlo, tapos...

Roselle Nava, Rica Peralejo at Jolina Magdangal

MAY ibinanderang rebelasyon ang Kapamilya TV host-actress at singer na si Jolina Magdangal sa birthday celebration niya sa “Magandang Buhay” kahapon.

Ang lakas maka-throwback ng nasabing episode dahil bumalik sa dekada ’90 ang programa para alalahanin ang mga naging espesyal na kaganapan sa buhay ni Jolens noong kasagsagan ng kanyang kasikatan ilang taon na ngayon ang nakararaan.

Personal na nagtungo sa studio ng Kapamilya morning show ang asawa ni Jolina na si Mark Escueta kasama ang panganay nilang si Pele.

“Happy birthday Mama! Me and Vika love you very much,” ang pagbati ni Pele sa kanyang nanay.

“Unang-una sobra ako at kami thankful, kung gaano siya ka-dedicated sa work alam ko lahat ‘yon ay dahil sa amin at para sa amin, so thank you,” pahayag naman ni Mark.

Sinorpresa rin ni Pops Fernandez si Jolens sa birthday special nito. Naging close ang dalawa nang magkasama sila noon sa “ASAP” ng ABS-CBN.

“One thing I can say hindi siya nabago. Jolina is Jolina,” sabi ni Pops na inilarawan ang aktres bilang isang iconic trendsetter at fashion icon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 🍀🦋 Jolina Magdangal Escueta 🦋🍀 (@mariajolina_ig)


Sabi naman ni Jolens, napakarami niyang natutunan mula sa original Concert Queen, “Nakita ko rin ‘yung pagiging professional, sa kanila ako natuto.

“Kapag perform, perform talaga. Performance level, go kahit ano pa ang nararamdaman mo. Kahit ano pa ‘yung lugar. Kapag work, work,” aniya pa.

Samantala, personal ding bumati kay Jolina ang mga kaibigan niyang sina Rica Peralejo at Roselle Nava. Nagkasama-sama sila noon sa “Ang TV.”

At dito na nga naikuwento ni Jolens ang isang bagay na dinala niya ng ilang taon dahil sa naging misunderstanding nila noon nina Rica at Roselle.

“Close talaga kaming tatlo, tapos si Icang (Rica) mahilig kaming magsulatan. Siyempre sa magkakaibigan may tampuhan.

“Sumulat siya, kasi mommy-mommy niya si Roselle. ‘Nagtatampo ako kay mommy, mommy ganyan-ganyan.’ Tapos itinago ko ngayon ‘yung sulat, tapos nakita ni Roselle, kinonfront si Rica.

“Eh, hindi ko naman ipinakita ang sulat, nabasa niya lang dahil nandoon sa makeup kit ko. Tapos nagtampo na sa akin si Rica na parang ‘pinagkatiwalaan kita tapos sinabi mo sa kanya,” rebelasyon ni Jolina.

Pahayag naman ni Rica, “Ako nagpapasalamat ako na nagkaroon kami ng chance to reconnect ni Jolina recently.

“Kasi nu’ng bata pa ako medyo dalaga na sila, ako kasi ang baby nila. Lagi kong nakikita si Jolina as parang ang sarap maging kaibigan nito but I felt so young also na mas nagkakaintindihan sila ni Roselle,” chika pa ni Rica.

Aniya pa, “Wala naman kasi kailangang i-patch up like never kaming nagkagalit, tumanda lang kami. That’s it.”

“Ngayon na nakapag-reconnect na tayo, enjoy-in na natin ito,” sabi ni Jolens kay Rica.

Ito naman ang mensahe ni Roselle kay Jolens, “Sana ang wish ko sa birthday mo for the Lord to always protect you, guide you. Hindi lang ikaw pati ang family mo at always be humble pa rin, tulad ng dati.”

Jolina inaatake ng anxiety: May times na nasusungitan ko ang mga bata pati si Mark

Jolina kay Mark: Habangbuhay kaming magpapasalamat kay Papa Jesus at ikaw ang haligi ng ating tahanan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Heart umaming certified Jolina fan; may branded bag na isa sa pinakamahal sa buong mundo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending