TNT All Star Grand Resbak mala-Encantadia ang peg ng bakbakan

TNT All Star Grand Resbak 2025 mala-Encantadia ang peg ng bakbakan

Reggee Bonoan - March 12, 2025 - 02:44 PM

TNT All Star Grand Resbak 2025 mala-Encantadia ang peg ng bakbakan

Lani Misalucha, Pops Fernandez, Ogie Alcasid at ang TNT All Star Grand Resbak contestants

NAPAPANOOD din ang “It’s Showtime” sa Kapuso Network kaya siguro mala-“Encantadia” ang concept ng “TNT All Star Grand Resbak 2025″ na nagsimula nitong Lunes, Marso 10.

Ang “Encantadia” ang isa sa hit series ng GMA 7 bukod sa “Darna” at “Mulawin” noon at dahil collaboration ito ng ABS-CBN at GMA kaya naisip siguro ng creatives ng “It’s Showtime” na bigyan ng bagong concept ang TNT All Star Grand Resbak 2025.

Nakatira sa apat na bahay ang 48 Resbakers kung saan hinati sila sa 12 na ayon sa aming napagtanungan ay mala-Bahay ni Kuya ang peg.

Napansin namin ang konseptong ito habang isinasagawa ang mediacon ng “TNT All Star Grand Resbak 2025” kamakailan at ipinakita sa likod ng 48 Resbakers na nakaupo sa entablado ay may mga logo ng Alab, Alon, Amihan at Agimat na katulad din ng apat na kingdom ng “Encantandia” — Fire, Air, Water and Earth.

Kaya pala sabi ng mga hurado ay magpapagalingan nang husto ang apat na grupo o sa madaling salita ay ubusan ng lahi at kapag hindi ka nanalo ay tuluyan na itong mamamaalam sa kanyang journey.

Nagdagdag ng dalawang hurado sa contest, sina Concert Queen Pops Fernandez at Asia’s Nightingale Lani Misalucha. Makakasama nila sina Ogie Alcasid, Jed Madella, Karylle at ang punong hurado na si Louie Ocampo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pops Fernandez (@popsfernandezofficial)


Inisip nga namin dahil 48 ang resbakers ay baka hindi kayanin ng matatalas na tenga nina Karylle, Jed at Louie ang mga naggagandahang boses kaya kinailangan nila ang tulong ng OPM Icons na sina Pops at Lani.

Sa nakaraang mediacon ay inamin ni Karylle na masaya silang tatlo na makatrabaho at makasama ang dalawang OPM Icon.

“It came as a surprise. I’m just really excited to work with Pops and Lani again and to show them how fun it is to be here,” sambit ng TV host-actress.

Say ni Louie, “I’m excited and very nervous because to be surrounded by these talented people, I have to be prepared. To be part of this group, ito yung tunay na ‘TNT.’ Tried and tested.”

Mula kay Jed, “Sobrang saya ko na nabibigay sila ng isa pang opportunity para ipakita kung gaano sila kagaling. Exciting ito kasi salang-sala sila itong grupo na ito.”

Ayon naman kay Ogie ay ang TNT ang pinakamahirap na singing competition sa buong mundo.

“Napakaganda ng format this season. Patibayan talaga ito. It is nice to see old faces and new faces. Alam niyo itong ‘Tawag ng Tanghalan’ ang pinakamahirap na singing contest. It stands the test of time. It’s like a marathon.”

Ang 48 “TNT” resbakers ay binubuo nina Psalm Manalo, Dior Bronia, Lee’anna Layumas, Niña Holmes, Nowi Alpuerto, Yen Victoria, Phoebe Salvatierra  Miano, Arvery Lagoring, Eunice Encarnada, Judylou Benitez, Mark Justo, Tenten Pesigan at Vensor Dumasig.

Pasok din sina Aboodi Yandog, Adrian Manibale, Ayegee Paredes, Jezza Quiogue, Marko Rudio, Shamae Mariano, Shirlyn Hida, Charizze Arnigo, Eich Abando, Rachel Gabreza, Shanne Gulle,Froilan Cedilla, Raymundo Alvarez, Marco Adobas, Makki Lucino, Nicole Yu, Isaac Zamudio, Raven Heyres, Jeremiah Tianco, Dylan Genicera at Shawn Agustin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abangan din sina Keith Perez, Aliyah Quijoy, Antonetthe Tismo, Jomar Pasaron, Kim Nemenzo, Chin Chin Abellanosa, John Ramirez, Aihna Imperial, Lady Ramento, Maty Cabagte, Mariel Reyes, RG Mia, at Venus Pelobello.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending