Zanjoe, Angelu, Jimmy Bondoc, DJ Durano join na rin sa politika
GO, go, go! Siguradong yan ang sigaw ngayon ng mga artistang nagdesisyong tumakbo sa darating na 2025 elections.
Ilan pa ang nadagdag sa mahaba nang listahan ng mga celebrities na kakandidato sa midterm elections sa susunod na taon.
Kabilang na riyan ang Kapamilya star na si Zanjoe Marudo, ang Kapuso actress na si Angelu de Leon at ang character actor na si DJ Durano.
Personal na nag-file si Zanjoe ng kanyang certificate of nomination at certificate of acceptance (CON-CAN) bilang 2nd nominee ng ASAP NA o Alyansa Laban sa Substance Abuse para sa Bagong Pilipinas Natin partylist nitong Sabado, October 5.
Baka Bet Mo: Bride namatayan ng groom 1 araw matapos ikasal: ‘From marriage certificate to death certificate…’
Wala pang pormal at opisyal na pahayag ang mister ni Ria Atayde tungkol sa pagsabak niya sa mundo ng politika.
Kakandidato uli ang aktres na si Angelu de Leon bilang konsehal sa ikalawang distrito ng Pasig City. Naghain siya ng certificate of candidacy last Friday, October 4.
“Malapit na tayo sa exciting part patungo sa tuluy-tuloy na pag-agos ng pag-asa dito sa Pasig. Nakikiusap ho ako ulit, kung bibigyan ninyo ng pagkakataon na magsilbi uli sa inyo.
“Sabi ko nga, sana bigyan ninyo ako ulit ng pagkakataon na maging T.G.I.S. (Tapat na paggo-gobyerno at Gagawa na may pagmamahal ng isang Ina at layunin na magbigay ng magandang Serbisyo para sa mga Pasigueño),” pahayag ni Angelu sa panayam ng media.
Sa mga hindi pa aware, ang “T.G.I.S.” ay siya ring titulo ng dati niyang youth-oriented show sa GMA na ipinalabas noong dekada 90.
Bukod kina Angelu at Zanjoe, tatakbo rin ang character actor na si DJ Durano bilang mayor ng Sogod, Cebu. Naghain siya ng certificate of candidacy nitong Lunes, October 7.
Sa kanyang social media account, ibinalita ni DJ ang kanyang kandidatura, “I filed my COC Certificate of Candidacy for the 2025 Mayoralty Race in Sogod, Cebu
View this post on Instagram
“Thank you for All the Love and Support… Mabuhi Ang Sogoranons.. Padayon Ta Para sa Tinuuray na Pag Serbisyo. TEAM ÐJ DURANO BAKUD Partido Federal ng Pilipinas,” aniya pa.
Samantala, handa na rin ang singer at dating PAGCOR official na si Jimmy Bondoc na tumakbong senador sa ilalim ng PDP-Laban party.
Nagsumite na rin ng CoC si Jimmy nitong nagdaang Linggo, October 6, para sa pagtakbo niyang senador.
“Kung ako ay mag-identify ng tatlo lamang na plataporma sa aking legislative agenda, ang isa doon ay ibalik ang diplomasya sa Senado.
“This is without criticizing the current slate, batch. Dahil po dapat talaga mag back-to-basics kung ano trabaho ng sangay ng gobyerno,” aniya sa harap ng press.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.