Bride namatayan ng groom 1 araw matapos ikasal: 'From marriage certificate to death certificate...' | Bandera

Bride namatayan ng groom 1 araw matapos ikasal: ‘From marriage certificate to death certificate…’

Ervin Santiago - December 19, 2022 - 11:33 AM

Bride namatayan ng groom 1 araw matapos ikasal: 'From marriage certificate to death certificate...'

James Steven Chong at AJ Jallorina

NAGLULUKSA ang isang bride matapos pumanaw ang kanyang asawa isang araw matapos ang kanilang kasal na naganap kamakailan lamang.

Viral ngayon sa social media ang kuwento ng isang netizen na nagngangalang AJ Jallorina na namatayan nga ng mister pagkatapos ikasal noong December 15.

Sa kanyang Facebook account, inamin ni AJ na talagang na-shock siya sa pangyayari at hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap na wala na ang asawang si James Steven Chong.

Sabi ng bride, nagpalitan sila ng “I Do” ni James noong December 15 pero bigla nga itong binawian ng buhay kinabukasan, December 16.

“From marriage certificate to death certificate.

“From congratulations to condolences,” simulang mensahe ng bride.


Pagpapatuloy pa niya, “Mahal ko, thank you for making me the happiest bride. Sabi mo nga di mo ako nasusurprise kasi lagi kong nakukutuban. mahal ko, hindi ko to nakutuban.

“Hindi ako makapaniwala. Napakasaya natin. Saksi ang Ama at ang lahat,” lahad pa ni AJ.

“Napakasakit na pumipirma tayo sa Marriage Certificate natin Dec 15 tapos Dec 16 death certificate mo na pinipirmahan ko.

“Kasama sa vow ko ang aasikasuhin kita, pero hindi agad sa funeral mo.

“Mahal, Salamat sa sampung taon na pagmamahal. Mahal na mahal kita,” pahayag pa ni AJ.

Walang ibinigay na detalye si AJ kung ano ang naging sanhi ng pagkamatay ng kanyang mister.

Bumuhos naman ang mga mensahe ng pakikiramay para kay AJ at sa kanyang pamilya mula sa kanyang mga kaibigan at mga social media followers.

Lalaking taga-ibang bansa nag-propose kay Kylie Verzosa: I want to marry you, I love you very much!

Kris Bernal wala pang planong magka-baby, gusto munang mag-travel at magpatayo ng malaking bahay

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Neri Miranda sinagot ang reception ng bride na na-scam ng wedding coordinator: Kami na bahala sa ‘yo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending