Kris Bernal wala pang planong magka-baby, gusto munang mag-travel at magpatayo ng malaking bahay Bandera

Kris Bernal wala pang planong magka-baby, gusto munang mag-travel at magpatayo ng malaking bahay

Ervin Santiago |January 24,2022
share this

Kris Bernal wala pang planong magka-baby, gusto munang mag-travel at magpatayo ng malaking bahay

Ervin Santiago January 24, 2022 - 07:19 AM

Kris Bernal at Perry Choi

MULA nang ikasal at maging mag-asawa sina Kris Bernal at Perry Choi ay palagi na lang natatanong ng mga netizens ang Kapuso actress ng, “Kailan ka mabubintis at magkaka-baby?”

Pahayag ng Kapuso star, mahirap sagutin ang nasabing question dahil hindi naman daw nila kontrolado ang mga mangyayari in the future, lalo na ang tungkol sa pagkakaroon ng baby.

Nag-post si Kris sa kanyang Instagram ng kanyang litrato kalakip ang kanyang paliwanag about pregnancy and being a mother in the future.

Aniya sa kanyang caption, “I’ve been asked a lot since I got married when I’m going to have a baby. We aren’t planning to have a baby just yet, but we aren’t actively trying to prevent it either.”

Pero nilinaw naman ng aktres na, “I adore children and aspire to have my own. We’re just the type of couple who plan big life events and be organized. 

“We don’t want to end ourselves in a situation where we’re like, ‘Whoops, that was quick’, we’re not quite ready,” katwiran pa ni Kris.


Dagdag pa niya, lahat ng plano nila ni Perry tungkol sa kanilang married life ay naka-pause pa rin dahil sa pandemya. Nais daw muna nilang mag-enjoy bilang mag-asawa bago bumuo ng sariling pamilya.

“Because of the pandemic, we haven’t been able to travel or go on adventures as much as we would want. So, before we turn three, we aim to go to many of the countries on our bucket list,” pahayag ng aktres.

Nais din nila ni Perry na magkaroon muna ng mas malaking bahay bago magka-baby dahil siguradong maaapektuhan nito ang kanilang finances. Tuluy-tuloy pa rin daw ang pagtatrabaho niya kahit kasal na siya.

“We also want a bigger house before having a baby, which is currently in the works. All this baby stuff is also expensive and our finances might be a bit stretched for a while. 

“Work continues to pour in, so I’m going to try to make the most of it while it lasts,” aniya pa sa kanyang IG post.

Dagdag pa niya sa pagbubuntis, “If it comes a surprise, then so be it. In God’s perfect timing. 

“God’s timing is impeccable. His plans, always. On the other side, I’m looking forward to having a mini Perry. Any thoughts on this?” sey pa ni Kris.

Payo ni Kris kay Aljur: Ask for God’s guidance kung saan ka dapat at ano ang para sa iyo…

Kris Bernal sinabihang super arte dahil ayaw ng simpleng kasal: Gusto ko kasi grand lahat!

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending