Jean Garcia, Angelu de Leon mahilig ‘pakialamanan’ ang mga anak, true ba?
MAY tanong ako sa inyo, mga ka-BANDERA…sang-ayon ba kayong nagingialam ang mga magulang sa buhay ng mga anak kahit matanda na?
Ito kasi ang isa sa mga naging topic nang ma-interview ng King of Talk na si Boy Abunda ang veteran actresses na sina Jean Garcia at Angelu de Leon kamakailan lang.
Aminado ang dalawang aktres na mahilig silang mangialam sa kanilang mga anak dahil ito raw ang kanilang paraan upang gabayan ang mga ito na magkaroon ng magandang buhay.
“Kanina nga nag-uusap kaming dalawa, papano ba tayo nangingialam? Araw-araw. For life kaming mangingialam, I guess,” natatawang sabi ni Jean na sinang-ayunan naman ni Angelu.
Paliwanag ni Jean, “Siyempre ang magulang naman wala namang gusto sa kanilang mga anak kung hindi magkaroon ng maayos na buhay, may takot sa Panginoon, maging mabuting mga bata. I guess hindi ako titigil kakasabi at kaka-advise lalo na kung nakikita kong hindi maganda.”
Baka Bet Mo: True ba, Claudine matindi ang galit, ‘di pa kayang patawarin si Angelu?
Nilinaw rin ni Jean na nanghihimasok lamang siya kung sa tingin niya ay may hindi na magandang nangyayari sa kanyang mga anak.
“Kung ang tingin sakin ng mga anak ko very strict ako, no. Actually alam rin ng mga anak ko, ang tawag nila sakin cool mom kasi ‘yung communication namin very open,” sey niya.
Saad pa niya, “Pero ‘yun lang kapag may negative sasabihin ko sa kanila, kapag naman positive cool lang, kumbaga sige go ahead, suporta ‘yan.”
Humirit din si Angelu na “in a positive way” naman ang kanilang ginagawang approach pagdating diyan.
“May dalawang pangingialam, I think ‘yung pangingialam na walang communication –‘yung negative way which is I don’t think naman ganun kami, well, I hope my children would agree na ‘yung pangingialam naman is only to open their minds of the possibilities of what they are doing right or wrong pero to the point at the end of the day I’m sure pareho kami ni Ms. Jean sa kanila pa rin ang desisyon,” sambit niya.
Idinagdag pa ni Jean na ang kanilang mga anak ay nangangailangan ng “guidance” gaano man sila katanda.
“Pero hindi pwedeng manahimik kami sa kahit anong bagay…Guidance talaga, kailangan mo silang i-guide kahit 30 plus na,” wika niya.
Aniya pa, “Like tayo dati ‘diba mga bata tayo hanggang sa nanganak tayo ‘nung meron na tayong mga anak sabi natin, ‘Ay lahat ng sinabi ng magulang ko tama. Tayo pala ang mali. Sila ang tama’.”
Para sa kaalaman ng marami, si Jean ay may dalawang anak na sina Jennica at Kotaro.
Habang si Angelu ay may tatlong anak na sina Nicole, Louise at Rafa.
Ang dalawang veteran actress ay parehong kontrabida sa magkahiwalay na serye –ang “Widows’ War” at “Pulang Araw,” respectively.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.