Jean Garcia bilib na bilib sa BarDa: Si Barbie maliit pa lang, magaling na at si David napakasipag, very hardworking’
PURING-PURI ng award-winning seasoned actress na si Jean Garcia sina Barbie Forteza at David Licauco na kasama niya sa bagong GMA series na “Maging Sino Ka Man.”
Nag-share si Jean ng naging experience niya working with BarDa loveteam sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan. Siya ang gumaganap na nanay ni Barbie sa serye.
Chika ni Jean, “Napakagagaling! Acting wise, si Barbie, maliit pa lang, magaling na. Si David, nagte-training siya, very masipag, very hardworking.”
Talagang kinakarir daw ni David ang bawat eksena niya sa “Maging Sino Ka Man” at bilib na bilib siya sa disiplina at professionalism ng binata.
View this post on Instagram
“Kung meron man kunwari sa acting, may pagkukulang siya, nagte-training siya, ‘yung action scenes niya, nag-train siya.
“So medyo pagod si David talaga at willing siyang matuto at ‘yun ang nakakatuwa sa mga bata,” chika pa ni Jean.
Samantala, nakatrabaho na ni Jean sa ilang mga proyekto noon si Barbie kaya kumportable na siyang kaeksena ang dalaga.
Baka Bet Mo: Jean Garcia may ‘cryptic quote’ kasabay ng muling pagbabalikan nina Jennica at Alwyn
“Ilang beses na kaming nagkatrabaho ni Barbie mula pa nu’ng batang-batang-bata pa siya, sa Stairway To Heaven, tapos yung The Half Sisters.
“Working with Barbie, palaging masaya, iba yung…marami na kasi kaming napagsamahan, so medyo malalim, medyo personal na yung relationship namin.
“So, when it comes to work or pag nagshu-shoot kami, madali na para sa aming dalawa, hindi na nagkakailangan, at saka si Barbie ang isang artista na hindi mahirap katrabaho, alam niya ginagawa niya, very professional.
“I’m very proud of her, kaya rin lahat ng nagiging shows niya nagiging successful, kasi nasa mga artista din yan, at siyempre nasa direktor din, pero personally ako, si Barbie I love her so much, I love working with her, I love her personally.
View this post on Instagram
“Hanggang ngayon may chat group kami ng The Half Sisters, so ayun, masaya lang na katrabaho siya ulit at bati na kami,” pagbabalik-tanaw ni Jean.
“Du’n sa Stairway to Heaven, puro sampal ang naabot niya sa akin. Sa The Half Sisters, sobrang close kaming mag-ina” aniya pa.
Dito naman daw sa “Maging Sino Ka Man” ay talagang nagulat din si Jean sa ipinakita ni Barbie, “This time medyo complicated yung relationship ng mag-ina dahil lang sa nagkaroon ng issue in the past, na hanggang ngayon hindi siya ma-resolve.
“So hinahabol niya yung anak niya at pinipilit niya na makuha ulit ang pagmamahal nung anak niya. So medyo ibang mag-ina naman ngayon yung characters naming dalawa,” aniya pa.
“Bata pa lang mahusay na siya, magaling talaga si Barbie, e! Kasi nanggagaling sa heart, hindi siya umaarte, kumbaga yung character pinag-aaralan niyang mabuti,” dagdag papuri ni Jean kay Barbie.
Tunay na mga doktor, content creators eeksena sa ‘Abot Kamay Na Pangarap’; Jean walang kakupas-kupas
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.