Jennica Garcia nakalimutan ang sarili nang magkapamilya: 'Dapat nu'ng nag-asawa ako nag-aayos pa rin ako, kasi parang nawala na siya sa isip ko' | Bandera

Jennica Garcia nakalimutan ang sarili nang magkapamilya: ‘Dapat nu’ng nag-asawa ako nag-aayos pa rin ako, kasi parang nawala na siya sa isip ko’

Ervin Santiago |August 27,2023
facebook
share this

Jennica Garcia nakalimutan ang sarili nang magkapamilya: ‘Dapat nu’ng nag-asawa ako nag-aayos pa rin ako, kasi parang nawala na siya sa isip ko’

Ervin Santiago - August 27, 2023 - 08:18 AM

Jennica Garcia nakalimutan ang sarili nang makapamilya: 'Dapat nu'ng nag-asawa ako nag-aayos pa rin ako, kasi parang nawala na siya sa isip ko'

Sarah Vidi Payno, Jennica Garcia at Jean Garcia

NAGKAIYAKAN ang mag-inang Jean Garcia at Jennica Garcia nang muling magkita nang personal sa isang event nitong nagdaang Huwebes, August 24.

Sinorpresa ng award-winning actress ang kanyang anak sa naganap na presscon at contract signing nito bilang celebrity ambassador ng Queen White.

Hindi napigilan ni Jean ang maging emosyonal nang hingan ng message para kay Jennica na umaming more than a month din silang hindi nagkita dahil pareho silang busy sa kanilang respective career.

“Jennica, I’m so happy for you. Congratulations, honey. As always, I wish you all the best…ano ba ‘to, dumadrama kaming mag-ina,” ang pahayag ni Jean habang nagpapahid ng luha.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Ang tagal namin kasing hindi nagkita kasi she’s very busy tapos I’m doing a soap also. Tapos nanggaling pa siyang Korea so medyo, parang one month no? More than ba?

“Tapos meron pa siyang regular show sa ABS na ‘Ur Da Boss.’ Oh di ba, pino-promote ko,” sey pa ni Jean.

Patuloy pa niyang message sa anak, “I’m very, very proud of you, anak. Thank you for your hard work, your dedication, your professionalism pagdating sa trabaho. Isa akong proud mother ng isang Jennica Garcia.”

Dagdag pa ni Jean, “Basta gusto ko maging happy ka sa trabaho. Maging happy ka someday with a partner, di ba? Wish ko pa rin ‘yun, bakit naman hindi, di ba? Siyempre gusto ko good health at saka ‘yung pagmamahal at dedikasyon mo sa mga bata, sa mga kids mo.”

“I’m so proud of you and I love you so much,” pahayag pa ni Jean sabay yakap sa anak.

Baka Bet Mo: Bwelta ni Jean kay Alwyn: Respeto lang ang hinihingi ko sa ‘yo…just saying!

Samantala, inamin din ni Jennica na medyo nakalimutan niya ang kanyang sarili noong nag-asawa’t nagkaanak siya kaya naman ngayon ay bumabawi siya nang bonggang-bongga.

Bilang single working mom, kailangan daw talaga niyang maglaan ng oras for self-care, “Actually, three weeks na po akong hindi nakakapag-destress. But when I do get the chance, I make sure that I get a massage and then, magpa-body scrub.

“Mahilig po talaga akong mag-alaga ng balat. Nandiyan naman ‘yung siyempre, inaalagaan natin ‘yung balat natin from our home. Pero iba rin po kasi ‘yung nakahiga ka na lang, di po ba?” chika ng celebrity mom and “Dirty Linen Star.”

Pagse-share pa niya sa kanyang latest experience for her “me time”, “Recently nga po, meron akong naranasan last month. First time ko pong mag-spa. ‘Yung sa hotel po.

“Medyo mahal po ‘yung binayad ko, parang five digits nga po ‘yun siya. Pero alam n’yo po? Narealize ko, kailangan ko pong magsipag sa buhay kasi ang sarap,” ani Jennica.

Paalala naman niya sa lahat ng kapwa niya ina, “I think in general no, hindi lang kapag ka-nanay ka na. As you age, you really want to take good care of yourself.

“Kung meron man akong parang sana nagawa ko sooner, dapat nu’ng nag-asawa ako, dapat nag-aayos pa rin ako. Kasi parang nawala na siya sa isip ko. Kasi syempre, first-time mom ka.

“Naalala ko nu’n, when I had my first child, breastfeeding pa rin ako nu’ng three years old siya tapos nabuntis ako ulit. So parang nakalimutan ko lang na dapat pala, kapag tinitingnan ko ‘yung sarili ko sa salamin, nagagandahan pa rin ako sa sarili ko,” lahad ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jennica (@jennicagarciaph)


Paalala pa niya sa kanyang mga ka-nanay, “Sana ‘wag niyong pabayaan ‘yung sarili niyo. Patulong tayo sa mga biyenan, sa mga kamag-anak. Please make sure kumakain ka ng mainit na pagkain.”

Samantala, feeling lucky and blessed naman ang aktres dahil pagkatapos ng matagumpay na serye niyang “Dirty Linen” ay may bago na namang blessing na dumating sa kanya, ang pagiging brand ambassador ng renowned skincare brand na Queen White na pag-aari ng Sarah Vidi Payno.

Known for its commitment to effective ingredients and result-driven formulations, QW offered a comprehensive range of skincare products that captured the attention of Jennica. She decided to embark on a skincare journey powered by-products that prioritize holistic well-being.

Bilang bagong ambassador ng naturang produkto, Jennica aims to empower other women tulad ng kanyang mga kapwa nanay na medyo nakakalimutan na ang mga sarili dahil sa pag-aasikaso sa pamilya. This, as she advocates embracing self-love, wellness, as well as being an independent woman.

Ayon naman kay Sarah, napakadaling kausap at napaka-humble pa ni Jennica kaya naman feeling blessed din sila na maging kapamilya ang aktres sa kanilang kumpanya.

“Gusto ko lang din i-share na during our first meeting, makikita mo sa mga mata niya na very grateful siya sa lahat ng blessing na natatanggap niya and she consider our partnership as a blessing, she manifested a skincare brand talaga.

“Hindi niya ine-expect na magkakatotoo yung manifestation niya..And ofcourse.. I am so grateful also na she consider us,” sabi pa ng young CEO.

Wish ni Jennica bilang anak ni Jean: ‘I’m praying na sana pareho kami ng kapalaran ni Mama’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jean Garcia may ‘cryptic quote’ kasabay ng muling pagbabalikan nina Jennica at Alwyn

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending